^

PM Sports

Atat na pareho ang Marinero at Sumisip-St. Clare

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Atat na pareho ang Marinero at Sumisip-St. Clare

MANILA, Philippines — Sabik na ang Marinerong Pilipino at BRT Sumi-sip Basilan-St. Clare na simulan ang kanilang inaaba-ngang 2019 PBA D-League Foundation Cup best-of-three championship series bukas.

Ipinangako ng Skippers at Saints ang dikdikang laban para sa misyong masungkit ang kanilang unang D-League title  bilang mga panauhin sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum kahapon sa Amelie Hotel sa Maynila.

“We’re preparing for this since Day 1. It’s always been our vision since we teamed up with St. Clare and that is to win it all,” ani BRT Sumisip Basilan-St. Clare deputy Jerson Cabiltes na kumatawan kay coach Stevenson Tiu.

“It’s our first time in the Finals. Sana makuha na-min ‘yung championship. Tribute din ito para sa mga Marinerong Pilipino, para sa kanila ito,” wika naman ni Skippers assistant coach Jonathan Banal.

Nakapasok ang BRT Sumisip Basilan sa Finals matapos gantihan ang CEU sa semifinals, 2-1 ngunit inamin nitong underdog pa rin sila sa ‘All-Star’ na Marinerong Pilipino.

Upang makasabay sa Skippers, sasandal ang Saints sa pinaghalong youth brigade nina Joshua Fontanilla, Junjie Hallare at Mohammed Pare at ang mga beteranong sina Alfred Batino at Hesed Gabo na idinagdag nila sa kanilang roster.

Maging ang PBA D-League sa pangunguna ng mga opisyal na sina Mauro Bengua at Joey Guanio ay umaasa rin sa dikit na laban sa pagitan ng dalawang finalists.

vuukle comment

2019 PBA D-LEAGUE FOUNDATION CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with