^

PM Sports

Cignal HD Spikers malinis sa 3-0

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naghabol sa second set ang Cignal HD Spikers upang igupo ang Sta Lucia Lady Realtors, 25-18, 25-23, 25-14 para sa malinis na 3-0 karta sa Pool A ng group staging sa Philippine Superliga (PSL) Invitationals kahapon sa Sta. Rosa Multi-Purpose Sports Complex, Laguna.

Umariba sa second set ang Lady Realtors at pina-kaba ang HD Spikers sa pagposte nito ng 17-11 na ratsada bago maglamlam ang laro nila at muling umarangkada ang Cignal para itabla sa 22-all para kunin ang 2-0 set advantage.

“Iyong second set namin kasi sabi naming lahat hindi kami pwede maging complacent kasi lahat ng kalaban namin magagaling,” sabi ng team captain na si Rachel Ann Daquis na nagrehistro ng 10 puntos at 16 digs. “So, ayun doon nagising na at hindi kami puwedeng matalo kasi every game sobrang importante.”

Nag-ambag din ng 12 puntos si Mylene Paat habang may tig-8 marka sina Alohi-Robins-Hardy at Roselyn Doria para sa tropa na nagbaba sa Lady Realtors sa 1-2 karta.

Sa sumunod na laro, nadagit ng nagdedepensang F2 Logistics ang ika-lawang sunod na tagumpay kontra sa Generika-Ayala Lifesavers 15-25, 25-16, 25-13, 25-14, para sa 2-1 na baraha sa Pool B ng torneo.

vuukle comment

PHILIPPINE SUPERLIGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with