^

PM Sports

Ateneo, CSB asam ang Collegiate finals

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA, Philippines — Susubukang tapusin ng Ateneo Lady Eagles at College of Saint Benilde Lady Blazers ang kani-kanilang semifinals series para masiguro ang pag-abante sa Finals ng Premier Volleyball League (PVL) Collegiate Conference ngayong araw sa The Arena sa San Juan City.

Magtutuos sa Game 2 ng best-of-three semis ang Lady Eagles at UST Golden Tigresses, alas-9 ng umaga at susundan ng tapatang Lady Blazers at Adamson Lady Falcons sa alas-11.

Tangan ang 1-0 na bentahe, gagawin ng UAAP season 81 defending champions ang lahat upang maduplika ang pananalasa nila sa UST noong Game 1, 25-15, 26-28, 25-16, 25-18.

Kahit wala ang isa sa mga bete-rano na si Ponggay Gaston, umariba pa rin ang Lady Eagles sa pag-init ng super rookie na si Faith Nisperos na siyang umakay sa tropa at nanguna sa pagpigil sa magkapatid na EJ at Eya Laure.

Ipaparadang muli ni coach Oliver Almadro si Nisperos kasama sina Vannie Gandler, Erika Raagas, Jules Samonte, Jaycel Delos Reyes, Jaja Maraguinot at Dani Ravena.

Kumpiyansa rin ang Lady Blazers na magagawa nilang maalpasan uli ang Adamson para makasampa sa una nilang Finals appearance sa torneo.

Gagamiting inspirasyon ng NCAA season 91 champions ang ginawa nilang pagtakas sa Adamson noong Game 1, 26-24, 29-27, 17-25, 21-25, 15-13.

Sasandalan muli ng CSB si Klarisa Abriam, na pabida nung una nilang pagkikita matapos magrehistro ng 27 points, katuwang sina Gayle Pascual, Mycah Go, Michelle Gamit at Diane Ventura.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with