^

PM Sports

Cone nasa tamang direksyon

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Naniniwala akong nasa tamang direksyon ang tahak ni coach Tim Cone sa klase ng pool na kanyang binuo para idepensa ang basketball title sa padating na SEA Games.

Wala silang benepisyo ng mahabang preparasyon kaya’t dapat lang talaga na solid core ng isang team ang manguna sa kampanya.

Hindi dapat kuwestyunin kung bakit ang kanyang Ginebra core ang napili ni coach Tim. Siyempre mas komportable siya sa sarili niyang manlalaro na gamay na ang klase ng laro na nais niyang gamitin sa SEA Games.

‘Yung mga naghahanap sa mga young stars, abatan na lang natin sila sa separate Gilas pool na bubuuin at huhubugin para sa 2023 at 2027 editions ng FIBA World Cup.

Hindi na dapat kuwestyunin ang naging desisyon ni coach Tim na may basbas ng PBA at Samahang Basketbol ng Pilipinas. In the first place, si coach Tim ang malalagay sa pressure cooker sa SEA Games basketball tournament na wala siyang ibang option kung hindi manalo.

Overkill? ‘Di bale nang maging overkill nga kaysa tunghayan natin ang mga laro natin na tayo ay nasa edge ng upuan.

***

Kung pareho ang magiging resulta ng second round ng UAAP, maghaharap ang Ateneo at UP sa keenly awaited title rematch.

Natapos ang first round na komportableng winalis ng Blue Eagles ang mga kalaban kasama na ang Maroons sa lopsided match noong nakaraang araw.

Revelation ang Santo Tomas bilang third placer (4-3), kasunod ang Far Eastern U, La Salle at Adamson na tabla tangan ang 3-4 kartada.

Crucial match ang simula ng second round sa pagitan ng Ateneo at Santo Tomas sa Sabado sa Smart Araneta Coliseum.

vuukle comment

TIM CONE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with