^

PM Sports

PHILRACOM Juvenile/Colts Stakes Pinaghahandaan na ng mga karerista

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Puspusan na ang paghahanda ng mga horseowners, trainers at jockeys sa kanilang mga pangkarerang kabayo na isasalang nila sa 2019 PHILRACOM 1st Leg Juvenile Fillies and Colts Stakes Race.

Pati ang bayang karerista ay nag-aabang sa nasabing stakes race na pakakawalan sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite sa Biyernes.

Naglabas na ang Philippine Racing Commission ng mga nominadong kabayo kung saan 12 tigasing batang kabayo ang naka line-up sa event na nakalaan ang P1-M guaranteed prize.

Wala pang hineteng nakatalaga pero inaasahang ilalabas na rin ito sa programa ng karera sa susunod na araw.

Hahamigin ng mananalong kabayo ang P600,000.

Mag-uunahan sa 1,200 meter race ang Batang Evalom, Blazing Bullet, Bulwagan, Excellence, Exponential, Kawhi, Lucky Savings, Make Some Noise, Noon Bell, Our Secret, Prime Time Magic at Union Bell.

Makakasali sa nasabing malaking karera ay mga two-year old na babae (fillies) at lalaki (colts)kung saan ikakalat ang premyo hanggang fourth place habang may hahamigin din ang breeder ng winning horse na P30,000.

Kukubrahin ng second placer ang P225,000 at tatanggap ng P125,000 at P50,000 ang third at fourth ayon sa pagkakasunod.

Pagkatapos ng 1st Leg Juvenile, susunod naman ang 2019 PHILRACOM “Four-Year-Old & Above Local Stakes Race” na pasisibatin sa October 13 sa Metro Turf, Malvar-Tanauan City, Batangas.

Mas mahaba ang distansya ng tatakbuhin ng anim na kalahok.

Magtatagisan ng bilis sa 1,800 meter race ang Hiway One,  Metamorphosis, Pangalusian Island, ScarboroughShoal, Summer Romance at Victorious Colt.

Nasa P500,000 ang ikakalat  na premyo  kung saan  P300,000 ang mapupunta sa unang kaba­yong tatawid sa meta, P112,500 sa second habang P62,500 at P25,000 sa third at fourth placers, ayon sa pagkakasunod.

Kasama rin ang winning breeder sa bibigyan ng cash prize na nagkakahalaga ng P15,000 mula sa PHILRACOM.

Isa rin sa pinagtutuunan ng mga horse owners at trainers ang 2019 PHILRACOM “Three-year-Old Imported / Local Challenge Race na ikakaskas sa pista ng San Lazaro sa Carmona, Cavite.

Malaki ang premyo ng nasabing stakes race dahil P1.5-M ang guaranteed prize.

Mapupunta ang P900,000 sa mananalo habang P337,500 ang sa pangalawang kabayong tatawid sa finish line.

Mapapanalunan ng tersero ang P187,500 habang P75,000 ang fourth at may P60,000 naman sa breeder ng winning horse pero hindi kasali ang imported horse sa breeder’s purse.

Ang nominasyon ay sa October 8 at may fee itong P7,500 habang ang declaration ay sa October 14, may bayad din itong P15,000 kada isang kabayo.

Isasagawa ang drawing of post position sa Oktubre 17 sa Carmona, Cavite.

vuukle comment

PHILRACOM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with