^

PM Sports

Gomper Girl nalo sa photo finish

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bakbakan sa rektahan ang nasilayan ng mga karerista sa PHILRACOM - RBHS Class 1 na pinagwagian ng Gomper Girl via photo finish kahapon sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Kinapitan ng liyamadong Goldsmith ang unahan sa largahan at dala nito ang bandera hanggang pagsapit ng far turn bago ito nadikitan ng Gomper Girl na nasa tabing balya at Metamorphosis na nasa bandang labas.

Papasok ng huling kurbada ay naungusan na ng Gomper Girl ang Goldsmith dikit na tersero ang Metamorphosis.

Naging maaksyon ang labanan nang rumemate ang dehadong Heiress Of Hope at nakipagsabayan ito sa huling 50 metro ng laban.

Kumilos si class B rider Jericho Serrano na ma­lakas na kayog at hataw ng latigo ang ipinatikim sa Gomper Girl kaya naman umigkas muli at nanalong nguso lang ang pagitan sa nasegundong Heiress Of Hope.

“Malakas ang dating ng Heiress Of Hope mabuti na lang at may lakas pa ang sakay ko,’ patungkol ni Serrano sa ipinanalong Gomper Girl.

Inirehistro ng Gomper Girl ang tiyempong 1:35. 6 minuto sa 1,500 meter race sapat upang hamigin ng horseowner na si Narciso Morales ang P30,000 na premyo mula sa Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).

Dumating na tersero ang Goldsmith habang pang-apat na tumawid ang Metamorphosis.

Nagpakitang gilas naman ang Iikot Lang sa isa pang PHILRACOM - RHBS Class 3.

 Impresibo ang itinakbo ng pag-aari ni CT Sison matapos ilista ang oras na 1:30 minuto sa 1,400 meter race.

Sinundan ng Iikot Lang ang bumanderang Ava’s Tale sa largahan, pero nang mapansin ni class A rider Rodeo Fernandez  na lu­malapit sa kanila ang mahigpit na karibal na Harapin Ang Bukas at papasok ng farturn ay umagaw na ito ng unahan.

Sa farturn, nasa unahan na ang Iikot Lang habang nasa pangalawang puwesto na ang Harapin Ang Bukas na pilit na kuma­kapit sa winning horse.

Pero nabigo ang Harapin Ang Bukas sa tangka nitong pag-agaw ng bandera kaya nagwagi ang Iikot Lang.

Nanalo  ang Iikot Lang na lamang ng apat na kabayo sa segundong Speak Easy, tersero ang Harapin ang Bukas.

Nahamig ni Sison ang P20,000 na premyo ng kanyang kabayong Iikot Lang.

Samantala, nanaig sa Three-Year-Old & Above Maiden race ang Bulletproof na sinakyan ni apprentice rider PO Refe.

Tumanggap naman ng P10,000 ang may-ari ng Bulletproof na si JC Dyhengco.

Pangalawa ang Peaky Blinder habang tersero ang I Love Matty.

vuukle comment

GOMPER GIRL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with