Tigers sasagpangin ang Archers para mapatibay ang pagsosolo sa 3rd spot
MANILA, Philippines – Asam ng University of Santo Tomas na sundan ang kanilang panalo kontra sa De La Salle University upang manatili sa ikatlong puwesto sa Season 82 UAAP men’s basketball tournament sa Mall Of Asia Arena sa Pasay City.
Nakatakda ang laban ng UST Growling Tigers at La Salle Green Archers ngayong alas-2 ng hapon kasunod ang duwelo ng Adamson Soaring Falcons at Far Eastern University Tamaraws sa alas-4.
Pinataob ng Growling Tigers ang Tamaraws, 82-74, sa pamumuno nina Souemane Chabi Yo at Sherwin Concepcion, pumukol ng apat na sunod na tres sa second half patungo sa panalo at kumapit sa 4-2 baraha sa likod ng Ateneo Blue Eagles at University of the Philippines Fighting Maroons.
“Good way to bounce back from our last loss. All the mistakes that we did in our last game, we tried to correct those mistakes,” sabi ni head coach Aldin Ayo sa pagbangon ng UST sa naunang 71-78 pagkatalo laban sa Adamson.
Samantala, nalasap ng Green Archers ang ikaapat na pagkatalo sa anim na laro matapos yumukod sa Fighting Maroons, 71-72, noong Miyerkules na naging dahilan upang bumaba ang kanilang baraha at makasosyo ang Tamaraws sa fifth spot.
Tiyak na muling sasandal si Ayo kina Chabi Yo, Concepcion, Enzo Subido, Renz Abando, CJ Cansino, Mark Nonoy para sa Growling Tigers.
Itatapat naman ng Green Archers sina Jamie Malonzo, Andrei Caracut, Justine Baltazar, Aljun Melecio at Kurt Lojera.
Samantala, hangad ng Soaring Falcons na masolo ang fourth spot laban sa Tamaraws na nagmula sa kabiguan sa NU Bulldogs.
- Latest