^

PM Sports

F2 Logistics sisimulan ang pagdedepensa sa PSL crown

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sisimulang depensa­han ng F2 Logistics ang kanilang ko­rona sa 2019 Philippine Su­perliga Invi­tational Con­fe­rence laban sa 2018 runner-up at kontrapelong Petron Blaze sa Ynares Sports Arena sa Pa­sig City.

Magtutuos ang Cargo Movers at Blaze Spikers nga­yong alas-4 ng hapon.

Gagamiting benta­he ng F2 Logistics ang ka­ni­lang championship stint sa nakaraang All-Fi­lipino Conference para sa kampanya sa maiksing kom­pe­rensyang ito.

Ibabandera ng Cargo Movers si All-Filipino Most Valuable Player Kalei Mau kasama ang ilang national team members na si Aby Maraño, Majoy Baron at Dawn Macandili katuwang din sina Ara Ga­lang, Kim Fajardo at Kim Dy.

Sa panig naman ng Blaze Spikers ay ma­wa­wala sa line-up nila ang isa sa kanilang ace pla­yer na si Mika Reyes da­hil sa right knee injury na ininda na nakuha niya noong All-Filipino Conference.

Sa pagkakawala ni Re­yes ay sasandalan ng Petron ang malalim nilang hanay sa pangungu­na ni­na Ces Molina, Aiza Maizo-Pontillas, Sisi Ron­dina, Rhea Dimacula­ngan, Rem Palma at Denden Lazaro bukod pa sa bagong saltang University of Santo Tomas sophomore setter na si Mafe Ga­lanza

Pormal na ring bubuksan ang Invitational Con­ference sa ala-1 ng hapon na katatampukan ng mga manlalaro mula sa walong koponan.

Magbabanggaan sa unang laro ang Sta. Lucia (1-0) at PLDT Home Fibr (0-1) sa alas-2 ng hapon at sa tampok na laro naman ay ang harapang Cignal (1-0) at Foton (0-1) sa alas-6 ng gabi.

 

vuukle comment

F2 LOGISTICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with