^

PM Sports

Umangat ang Pinas sa 3x3 world rankings

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patuloy ang pag-angat ng Pilipinas sa FIBA 3x3 men’s world rankings upang lalong makalapit sa misyon nitong makapasok sa 2020 Tokyo Olympics Qualifying Tournament.

Nasa ika-21 puwesto na ang Pilipinas ngayon hawak ang 8, 156, 366 points matapos ang matagumpay na 2019 Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 season na nagkaroon ng tatlong conferences mula noong Pebrero.

Ito ay ang President’s Cup, Patriot’s Cup at Magi-ting Cup na lahat ay Level 7-10 3x3 tournaments ayon sa FIBA 3x3 hierarchy na siyang lubusang nakatulong sa paglipad ng rankings ng bansa.

Bago magsimula ang naturang 12-team Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 na siyang kauna-unahang 3x3 nationwide league sa bansa ay nasa malayong 59th place ang Pilipinas bago umangat pagkatapos ng anim na buwan.

Nakatulong din ang regular na pagsali ng Chooks-to-Go Pilipinas teams sa mga international 3x3 tournaments tulad ng 3x3 World Tours at Challengers na ginanap sa Moscow, Haining, Poitiers, Xiongan, Sukhbaatar at Kaohsiung.

Nagdaos din ng sariling 3x3 international tournament ang Pilipinas sa ginanap na Super Quest noong Abril at Manila Challenger nitong buwan lang.

“All the hard work of our players, our team owners, our staff, and the federation has paid off,” ani Chooks-to-Go Pilipinas league owner Ronald Mascariñas.

Kumpara kasi sa 5-on-5 basketball na daraan sa maraming qualifying tournaments ang mga bansa bago makapasok sa Olympics, ranking points ang basehan sa 3x3 basketball na sa kauna-unahang pagkakataon ay ipapakilala bilang medal event sa Tokyo.

Ang top 24 countries lang pagkatapos ng ranking deadline sa Oktubre 31 ang mabibigyan ng karapatang makasali sa Olympic Qualifying Tournament.

Apat sa top 24 na may pinakamataas na rankings kabilang na ang host na Japan ang makakapasok na agad sa Olympics habang ang natitirang 20 ang magsasabong para sa apat pang Olympic seats.

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with