^

PM Sports

PSL Invitationals hahataw ngayon

Pang-masa

MANILA, Philippines — Simula na ng matin-ding paluan sa pagbubukas ng Invitational Conference ng Philippine Superliga ngayong araw sa Strike Gymnasium sa Bacoor City.

Maghaharap sa main-game ng triple header ang All-Filipino Conference silver me-dalist na Cignal HD Spikers at PLDT Home Fibr Power Hitters bandang alas-6 ng gabi.

Uumpisahan na ng HD Spikers ang kampanya sa liga para muling makatungtong sa Finals at gulatin ang lahat gaya ng kanilang ginawa noong nakaraang conference.

Mangunguna para sa tropa sina Alohi Robins-Hardy, Jovelyn Gonzaga, Mylene Paat at Roselyn Doria, na kasama sa national team na nasungkit ang bronze medal sa first leg ng 2019 ASEAN Grand Prix sa Thailand, kasama rin sina Rachel Ann Daquis, Jheck Dionela, Mumay Vivas at Ranya Musa.

Sa panig naman ng Power Hitters, hindi nila puwedeng maliitin ang Cignal dahil alam nila kung ano kayang gawin ng mga ito.

Susubukan ng PLDT na makaangat ngayong conference matapos ang kanilang sixth-place fi-nish noong All-Filipino Conference.

Sasandalan muli ni coach Roger Gorayeb sina Gretchel Soltones, Aiko Urdas, Shola Alvarez, Jasmine Nabor, Jerilli Malabanan, Gen Casugod at Lizlee Ann Pantone.

Magbabanggaan naman sa unang laro ang Marinerang Pilipina at Generika-Ayala sa alas-2 ng hapon at sa alas-4 naman ang sagupaang Foton at Sta. Lucia.

Sa Sabado, Set-yembre 28 naman ang opening ceremonies sa Ynares Sports Arena sa Pasig bandang ala-una ng hapon. FJosue, Jr.

vuukle comment

PSL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with