NCAA Press Corps Player of the Week
MANILA, Philippines — Napili si Kent Salado ng Arellano Chiefs bilang Chooks-to-Go Collegiate Press Corps Player of the Week.
Nakuha ng 5’8 na si Salado ang lingguhang award dahil sa kanyang ipanakitang matikas na laro lalong lalo na sa huling yugto ng kanilang 91-86 panalo ng Arellano University Chiefs sa Perpetual Help Altas sa Season 95 NCAA basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.
Tumipak si Salado ng 18 puntos, 12 assists, apat na steals at tatlong rebounds para putulin na ang three-game losing skid ng Chiefs at buhayin ang pag-asang makapasok sa playoff round sa kanilang 3-9 win-loss kartada.
“Sinasabihan ko lang ‘yung teammates ko na kaya pa naman natin kasi kaya nga natin ‘yung malalakas, humahabol nga tayo. ‘Wag lang dapat kami mawalan ng gana,” sabi ni Cagayan de Oro native Salado.
Naungusan ni Salado sina Noah Lugo ng Mapua, James Kwekuteye ng San Beda at Jaycee Marcelino ng Lyceum para sa lingguhang parangal. Ito na rin ang pagbawi ni Salado matapos hindi nakalaro sa season 94 dahil sa ACL sa kanyang right knee.
Humataw ang graduating na si Salado para burahin ang seven-point deficit ng Arellano at tuluyang lumayo sa pamamagitan ng 16-1 run tungo sa malaking panalo ng Legarda-based squad.
- Latest