^

PM Sports

Pasay, Valenzuela wagi sa MPBL

Pang-masa

Iloilo City, Philippines — Nalam­pa­san ng Pasay Voya­gers ang pagbangon ng Iloilo United Royals sa dulo ng fourth quarter para itakas ang 56-52 tagumpay sa Maharlika Pi­lipinas Basketball League dito sa Uni­ver­sity of San Agustin Gym kamakalawa ng gabi.

Nakadikit ang Ro­yals sa 52-54 matapos ang split ni Eric Rodriguez bago isinalpak ni Axel Iñigo ang dalawa ni­yang free throws para selyuhan ang pang-pitong panalo ng Voyagers at itaas ang baraha nila sa 10-5 sa North division ng 31-team Lakan Season.

Nakabawi ang Iloilo mula sa 14-point deficit, 30-44, para makalapit sa 50-51 matapos ang ini­hulog na 9-1 bomba sa pamumuno ni Ryan Aram­bulo.

Isang three-point shot ni Elvis Chan ang naglayo sa Pasay sa 54-51 sa huling 3:17 minuto ng labanan.

Tumapos si Iñigo na may 12 points, 8 rebounds, 5 assists at 2 steals para sa Voyagers, habang may 12 markers si Elmar Moradas.

Nakahugot naman ang Royals, nahulog sa 8-6 baraha, ng 12 points kay Arambulo.

Samantala, tinalo ng Valenzuela Classic-SPV Top Marketplace ang Mindoro Tamaraws, 67-59.

Nagtala ng double-double na 13 points at 13 rebounds si Jaymar Gimpayan at nagdagdag ng 12 markers, 8 re­bounds at 8 assists si Paolo Hubalde para sa 6-10 marka ng Classic.

Darayo ang MPBL, iti­natag ni Sen. Manny Pacquiao, sa Bacolod Ci­ty para sa upakan ng Basilan Steel at Davao Occidental Tigers nga­yong alas-6:30 ng gabi at bak­bakan ng Bacolod at Soccsksargen Marlins sa alas-8:30.

vuukle comment

MPBL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with