^

PM Sports

Bawi tayo

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Historically, bagsak ang gate receipts ng PBA tuwing galing sa masamang performance sa international competition ang national team.

Malamang na ito rin ang sasapitin lalo na ng mga unang sultada sa PBA Governors’ Cup na sisikad na ngayong araw na ito hatid ang twin-bill sa MOA Arena sa pagitan ng Alaska Milk kontra sa Columbian Dyip at NorthPort kontra Rain or Shine.

Pero maaaring makausad at makabawi kung magpakita ng maganda sa 30th SEA Games na ilalaro sa harap ng Pinoy basketball fans. Hindi dapat magkamali at pumalpak dahil siguradong malulugmok ang PBA.

* * *

Mas yayabong naman ang kabuuan ng Philippine sports kung makakapag-pakita ng disenteng laban sa medal race ang Phl Team.

Nawa’y mapagpakita ang mga Pinoy athletes ng inspiradong performance, ulitin ang “Miracle of 2005” at makabuo ng momentum na makakatulong sa mga qualifying tourneys para sa 2020 Tokyo Olympics.

Sa ngayon ay may isa nang Filipino na qualified sa Tokyo Games sa katauhan ni pole vaulter EJ Obiena.

* * *

Sarado na ang pinto ng Tokyo Games sa Gilas Pilipinas dahil hindi nakuha ang automatic berth sa FIBA World Cup.

Mayroon pang natitirang Olympic qualifying tourneys pero malabo tayong masama roon dahil sa masama nating performance sa China WC. At kung maiimbita man ay suntok din sa buwan na makalusot tayo sa qualifying tourney.

Moving forward na ang Samahang Basketbol ng Pilipinas, kasama na si chairman emeritus Manny V. Pangilinan na naka-tuon na sa pagbalangkas ng long-term program – hindi nagtatapos sa 2023 World Cup kung hindi sa mga susunod pang world championship.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with