^

PM Sports

Game na uli

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ang unang panalo ang kaagad pag-aagawan ng apat na koponan sa pagsambulat ng 2019 PBA Governor’s Cup ngayon sa MOA Arena sa Pasay City.

Magtutuos ang Alaska at Columbian sa ganap na alas-4:30 ng hapon kasunod ang salpukan ng NorthPort at Rain or Shine sa  alas-7:00 ng gabi sa torneong pinagharian ng Magnolia noong nakaraang taon.

Bukod kay head coach Jeffrey Cariaso ay ipaparada rin ng Aces ang mga bagong hugot na sina Fil-Nigerian guard Maverick Ahanmisi at Fil-Am forward Abu Tratter, nakuha nila mula sa trade sa Elasto Painters at Blackwater Elite.

Pumasok din sa trade ang Dyip kung saan nila nakuha sina guard Juami Tiongson at big men Lervin Flores at Joseph Gabayni.

“Siyempre, sana hindi pa enough ‘yung adjustment period nila,” sabi ni mentor Johnedel Cardel sa kanyang mga bagong hugot. “Pero on our part, we’re ready.”

Ngunit mas tatapunan ng pansin ang kanilang mga itatampok na imports.

Itatapat ng Alaska si Justin Watts kay Khapri Alston ng Columbian.

Hindi naman mapapanood si No. 1 overall pick CJ Perez para sa Dyip dahil binigyan siya ng bakasyon ni Cardel matapos sumabak sa 2019 FIBA World Cup kasama ang Gilas Pilipinas.

“We gave him some days off but he’s been practicing with us for a week now. Tumaas lalo ang kumpiyansa at gigil nang maglaro ulit sa PBA,” wika ni Cardel.

Sa ikalawang laro, gagamitin naman ng Batang Pier si import Mychal Ammons, dating naglaro para sa TNT Ka-tropang Texters, kontra kay Joel Wright, huling kumampanya para sa Star (ngayon ay Magnolia).

Nagposte si Ammons ng mga averages na 14.75 points, 12.9 rebounds at 1.5 blocks sa kanyang 12 laro para sa TNT Katropa noong 2016 PBA Governor’s Cup.

Humataw naman si Wright ng mga averages na 28.4 points, 14.5 rebounds, 2.7 assists, 1.8 steals at 1.4 blocks sa pitong laro niya para sa Hotshots noong 2016.

vuukle comment

2019 PBA GOVERNORS CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with