^

PM Sports

Ang dahilan ng ‘di pagsali ni Didal sa China

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa
Ang dahilan ng �di pagsali ni Didal sa China
Margielyn Didal

MANILA, Philippines — May paglilinaw si Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines, Inc. president Monty Mendigoria patungkol sa pagwi-withdraw ni Margielyn Didal sa kompetisyon sa China.

Ayon sa kanya, walang katotohanan ang unang lumabas na balita na problemang pinansyal ang pinakaugat kung bakit hindi naglaro si Didal sa International Skateboarding Open-Street sa Qingfeng, China noong Setyembre 3.

Dahil sa hindi pagsali ng 2018 Asian Games gold medalist sa naturang kompetisyon ay dumulas ang world ranking nito na mula sa ika-10 puwesto ay nasa ika-13 spot na lang siya ngayon.

“Just to point of clarification kasi hindi maganda ‘yung lumabas na balita kaya hindi nakalaro si Margie [Didal] doon sa China, which is a five-star competition, dahil sa financial problem, sabi ko, no. Actually we have funding coming from the PSC,” sabi ni Mendigoria.

Naging malaking problema raw nila ang pagpili sa pagitan ng China at Brazil competition kung saan pareho itong five-star competition, pero mas kinuha nila ang torneo sa Brazil dahil sa mas mataas nitong competition level.

“Ang napili namin, which is medyo mas mataas ‘yung degree plus ‘yung competitors at level ng competitions ay mas mataas pa sa China, nag-Brazil kami. But that doesn’t necessarily mean na walang suporta kaya kami hindi nakapunta, hindi,” paliwanag niya.

Sinabi rin Mendigoria na ayaw nilang bugbugin nang husto si Didal sa mga Olympic qualifier tourney na puwede niyang salihan dahil baka biglang bumaba ang performance nito pagdating ng Southeast Asian (SEA) Games ngayong taon.

“Mamaya pukpok kami nang pukpok sa Olympics ‘yun pala naapektuhan na ‘yung performance niya para sa SEA Games, so play safe lang kami,” dagdag niya.

Susubukang muling umangat sa world ranking ng Cebuana skateboard prodigy sa pagsabak nito sa Street League Skateboarding (SLS) Global qualifier ngayong Setyembre 19 hanggang 22 sa Sao Paulo, Brazil.

vuukle comment

MARGIELYN DIDAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with