^

PM Sports

AIBA World Boxing Championships: Hindi pa oras ni Paalam

Chris Co - Pang-masa
AIBA World Boxing Championships: Hindi pa oras ni Paalam
Carlo Paalam

MANILA, Philippines — Hindi pa napapanahon para magpaalam si Carlo Paalam matapos magtala ng unanimous decision win upang magmartsa sa quarterfinals ng 2019 AIBA World Boxing Championships na ginaganap sa Yeka-terinburg, Russia.

Walang sinayang na sandali si Paalam nang pakawalan nito ang matatalim na suntok mula umpisa hanggang dulo ng laban para igupo si Jo Seh Yeong ng South Korea sa men’s flyweight class (52 kgs.).

Pare-parehong nagbigay ng 30-27 iskor ang limang hurado pabor kay Paalam.

Target ni Paalam na makapasok sa semis sa pakikipagtuos nito kay 2018 Indonesia Asian Games gold medallist Amit ng India na nagtala ng parehong 5-0 unanimous decision win (30-27, 30-27, 30-27, 30-27, 30-27) kay Citfci Batuhan ng Turkey.

Nais ni Paalam na makaresbak kay Amit na tumalo sa kanya sa semis ng Asian Games dahilan para magkasya lamang ang Pinoy pug sa tansong medalya sa quadrennial meet.

Si Paalam ang ikalawang Pinoy pug na pumasok sa quarterfinals matapos umabante si two-time Southeast Asian Games champion Eumir Felix Marcial sa men’s middleweight (75 kgs.) class.

Nakatakda ang quarterfinal match ni Marcial laban kay Mousavi Seyedshahin ng Iran kagabi sa torneong nilahukan ng mahigit 300 boxers mula sa kabuuang 78 bansa.

Kung papasok sa semifinals, makasisi-guro na si Marcial ng tansong medalya para sa Pilipinas.

Magugunitang huling nagkamit ng medalya ang bansa noong 2015 edisyon nang makahirit ng tanso si Rogen Ladon sa Doha, Qatar. Ito rin ang naging daan ni Ladon para makakuha ng puwesto sa Rio Olympics sa Brazil noong 2016.

vuukle comment

CARLO PAALAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with