^

PM Sports

FIBA kinikilala ang Pinas

Nelson Beltran - Pang-masa

MANILA, Philippines — Natapos na proud moment pa rin sa Pilipinas ang 2019 FIBA World Cup dahil naiwagayway pa rin ang bandila ng bansa bago pa man tumuntong sa midcourt si Samahang Basketbol ng Pilipinas chairman emeritus Manny V. Pangilinan para sa official turnover ng hosting ng prestihiyosong quadrennial meet.

Nauna dito, ibinalik ng FIBA Central Board kay Pangilinan ang kanyang upuan sa board, kasabay ang pagbibigay din ng kaparehong puwesto kay Chinese cage legend Yao Ming.

Testamento ang bagay na ito sa respetong ibinibigay ng FIBA sa Samahang Basketbol ng Pilipinas at sa ating bansa.

Sa pag-imbita kina Pangilinan at Yao sa pagsama sa board, kabuuang 25 katao ang bumubuo ngayon ng FIBA Central Board na pinamumunuan ni Hamane Niang bilang president.

Samantala, iniluklok naman na chairman ng Players Commission si Dirk Nowitzki kahalili ni Vlade Divac na dating namuno ng parehong komis-yon kasama si dating Gilas player Jimmy Alapag bilang commission member.

Sigurado namang magtratrabaho ng husto sina MVP at ang kanyang grupo sa SBP bilang host ng 2023 World Cup.

“We need to supply to spectators and guests an experience like never before,” naunang sinabi ni MVP.

“Now the work begins starting with the local organizing committee, the steering committee with Japan and Indonesia, and the Gilas team 2023. In bringing all this effort to fruition in 2023, and in showing what we Filipinos can offer the world, I ask for your prayers and help for the SBP,” saad din ni MVP.

***

Ang MOA Arena, Smart Araneta Coliseum, PhilSports Arena at Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan ang tinitignan ng SBP na venues na paglalaruan ng 2023 WC games kasama ang hiwalay na venues sa Japan at Indonesia.

Ang aking takot ay ang trapik na haharapin ng mga foreign fans na dadayo sa atin upang sundan ang kanilang koponan na sasabak sa kompetisyon.

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with