^

PM Sports

Baste gustong makisosyo sa No. 2 spot

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Target ng San Sebastian Stags ang pangwalong panalo upang makisosyo sa ikalawang puwesto sa pagharap sa Perpetual Help Altas ngayon sa pagpapatuloy ng Season 95 NCAA basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Magtatagpo ang Stags (7-3) at Altas (3-7) sa alas-12 ng tanghali na susundan ng laro ng St. Benilde Blazers at Mapua Cardinals sa alas-2 ng hapon. Maghaharap naman ang Jose Rizal Heavy Bombers (4-7) at Arellano Chiefs (2-9) sa alas-4.

Sa junior’s division, kapwa asam ng SSC-R Staglets (5-5) at UPHSD Altalettes (5-5) ang pang-anim na panalo sa kanilang paghaharap sa alas-8 ng umaga habang hangad naman ng CSB-LSGH Greenies (6-4) na manatili sa ikatlong puwesto sa pakikipagtagpo sa Mapua Red Robins (3-7).

Sa huling laro ay magtatagisan ng husay ang JRU Light Bombers (6-5) at Arellano Braves (5-6) sa alas-6 ng gabi.

Inaasahan ang muling paghataw ni Allyn Bulanadi ng Stags para ulitin ang kanilang 107-90 panalo sa Altas sa first round ng elimination noong Agosto 23 kung saan umani ang 6’2 forward ng 31 puntos, siyam na rebounds, tatlong blocks, dalawang assists at dalawang steals.

Bukod kay Bulanadi, tiyak din muling sasandal si SSC-R coach Egay Macaraya kina Alvin Capobres at RK Ilagan na nag-ambag ng kabuuang 35 puntos, sampung rebounds at pitong assists upang iangat ang Recto-based squad sa Final Four sa pagpasok sa second round.

Aasa naman si coach Frankie Lim ng Altas kina Jeff Egan, Kim Aurin, Ben Adamos, Jielo Razon, Rey Peralta at Edgar Charcos na nagsanib puwersa para sa kabuuang 79 puntos laban sa Stags.

Ang anim na manlalaro sa pangunguna ni Egan ay tumapos ng double-digits sa laro  na higit pa ng 90 porsyento sa kabuuang iskor ng koponan, ngunit  hindi pa sapat para dalhin ang buong UPHSD team habang ang iba ay tumulong lamang ng kabuuang 11 puntos.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with