^

PM Sports

Win no. 4 pakay ng Blue Eagles

PJ Carpio - Pang-masa

MANILA, Philippines – Target ng Ateneo De Manila Blue Eagles na masungkit ang ikaapat na sunod na panalo laban sa FEU Tamaraws ngayon sa pagpapatuloy ng 82 UAAP men’s basketball tournament sa Mall Of Asia Arena sa Pasay City.

Asam ng Ateneo Blue Eagles na masundan ang kanilang dikit na panalo sa UST Growling Tigers 71-70, noong Huwebes sa pakikipagharap sa FEU Tamaraws (1-1) sa alas 4:00 ng hapon.

“We were blessed with the win, no time to really take a break, FEU on the weekend, that’s we’re have to get our minds,” wika ni Ateneo coach Tab Baldwin matapos makuha ang ikatlong sunod na panalo.

Inaasahang muling sasandal si Ateneo tactician coach Baldwin sa kanyang mga beterano na sina Ivorian bigman Ange Kouame, Gian Mamuyac, Nieto Brothers at Thirdy Ravena na siyang pangunahing pu-wersa ng koponan.

Sa kabilang panig naman, umani si Wendell Comboy ng career best 24 puntos, na may 6-9 shooting sa labas at sahog pa ang dalawang assist upang tulungan ang FEU Tamaraws  na masikwat ang unang panalo kontra  sa UE Red Warriors 81-65 noong nakaraang linggo.

Nakamit naman ng DLSU Green Archers (1-1) ang unang panalo sa likod ng game-winning basket ni Kurt Lojera at tangka nilang sundan ito sa pagharap sa UE Red Warriors (0-3) sa alas-2:00 ng hapon upang makaangat sa standing.

Hangad ng DLSU Green Archers na masolo ang fourth spot laban sa bokya pa ring University of the East Red Warriors na hindi nakatikim ng panalo sa tatlong laro.

 

vuukle comment

BLUE EAGLES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with