^

PM Sports

Aces makikilatisan agad sa opening

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines – Makikilatis agad ang bagong bihis na Alaska Aces kontra sa Columbian Dyip sa paparating na 2019 PBA Governors’ Cup.

Inilabas na kamakalawa ng PBA ang schedule para sa season-ending conference kung saan nga babandera sa opening day sa Setyembre 20 sa Mall of Asia Arena ang banggaang Alaska at Columbian sa alas-4:30 ng hapon.

Susundan naman ito ng eksplosibo ring duwelo sa pagitan ng NorthPort Batang Pier at Rain or Shine Elasto Painters sa alas-7 ng gabi.

Ito ang magiging unang sabak ng Aces sa ilalim ng bagong head coach na si Jeff Cariaso.

Matatandaang noong nakaraang buwan ay inanunsyo ng koponan ang promotion ng long-time assistant na si Cariaso sa head coaching position matapos ang pagbibitiw sa puwesto ni mentor Alex Compton.

Bukod sa bagong coach, magpaparada rin ng bagong koponan ang Alaska sa pagdating ng mga bagong manlalaro nito na sina Maverick Ahanmisi at Abu Tratter.

Nakuha ng Alaska si Ahanmisi sa Rain or Shine kapalit si Ping Exciminiano at future draft pick habang nasikwat nila mula sa Blackwater si Tratter kapalit si Carl Bryan Cruz.

Makakasama ng dalawa ang mga beteranong sina Vic Manuel, Jvee Casio, Chris Banchero at Sonny Thoss gayundin ang first-time PBA import na si Justin Watts.

Para sa panig naman ng Columbian, inaasahan ang mas mabangis nitong kampanya lalo’t pina-lakas na CJ Perez ang babandera sa kanila. Kaga-galing lang ng rookie na si Perez, top overall pick noong nakaraang PBA Draft, sa pambihirang Gilas Pilipinas stint sa 2019 FIBA World Cup sa China.

Kapareho ni Perez ay inaasahan din ang ma-laking tulong ng pinagaling na si Robert Bolick sa pagbida nito sa NorthPort na isasalang ang import na si Mychal Ammons.

Makakaharap nila ang Rain or Shine na pagbibidahan ng mga beteranong sina James Yap at Beau Belga kasama ang mga young guns na sina Ed Daquioag, Javee Mocon at Rey Nambatac gayundin ang bagong manlalaro na si Exciminiano.

Isasabak din ng ROS ang dating Purefoods import na si Joel Wright habang magbabalik ang kapitan na si Gabe Norwood gayundin ang head coach na si Caloy Garcia galing din sa Gilas Pilipinas stint.

 

 

vuukle comment

ACES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with