^

PM Sports

Balik sa drawing board

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Tunay sa masakit na dagok ang inabot ng Gilas Pilipinas sa kanilang kampanya sa 2019 FIBA World Cup sa China.

Pero kung masakit ito sa Filipino basketball fans, lubhang mas masakit ito kay coach Yeng Guiao at sa Gilas team na siyang nakabilad sa harap ng mga camera habang binubugbog ng mga kalaban.

Sinapit nila ang mga lopsided losses dahil sa mga limitations na tangan nila papunta sa giyera.

Manipis na nga ang pool na pagkukuhanan ng mga players, hindi pa sila naayudahan ng ukol na panahon upang makapag-prepara at ma-expose kalaban ang mga premyadong international teams bago tumulak papunta sa China.

Dapat din naman isipin na may limitasyon din ang PBA sa mga bagay na dapat nilang ipagkaloob sa national team.

Pero sa halip na mamula, magsisihan at magbangayan, mas maganda na sumuporta na lamang sa panawagan na muling mag-usap ang mga stakeholders sa pagbalangkas ng bagong programa na nakatutok sa kampanya ng Team Phl sa 2023 World Cup na ilalaro sa harap ng ating mga kababayan.

Salamat sa tulong na inihatid ni Andray Blatche mula noong 2014 World Cup pero obvious na panahon na para kumuha ang Gilas ng bagong naturalized player-- o pool of naturalized players--na makakasama nila sa bagong World Cup cycle.

At walang duda na kailangang ilabas ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang national team on a regular basis upang masanay kalaban ang mga higanteng international teams at hindi magulantang pagdating na ng World Cup proper.

Kailangan ding mag-decide ang SBP kung patuloy bang aasa sa PBA sa pagpapahiram ng players o magbubuo ng national training pool na year-round ang training at lalabas at lalaro sa international meets upang masanay sa international games.

Obvious na ito ang malaking kakulangan ng Team Phl sa masamang ipinakita sa 2019 World Cup.

vuukle comment

FIBA WORLD CUP

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with