Columbian sasandal kay Alston
MANILA, Philippines — Ipaparada ng Columbian ang isang undrafted player noong 2016 NBA Rokie Draft para sa darating na 2019 PBA Governor’s Cup.
Umaasa si coach Johnedel Cardel na matutulungan ni Khapri Alston na maipasok ang Dyip sa quarterfinal round ng season-ending conference na magsisimula sa Setyembre 20.
“We’re really hoping na Khapri, even though hindi siya kilala as the other imports, can get the job done, much like what Lester (Prosper) did,” sabi ni Cardel kay Alston.
Nabigo si Prosper na maihatid ang Columbian sa kauna-unahang quarterfinals stint nito sa nakaraang 2019 PBA Commissioner’s Cup na pinagharian ng San Miguel laban sa TNT Katropa.
Sa pitong laro niya para sa Dyip sa nasabing mid-season conference ay nagtala si Prosper ng mga averages na 33.6 points, 16.9 rebounds, 1.7 assists, 1.0 steals at 1.6 blocks.
Naniniwala si Cardel na kaya rin itong pantayan ng 6-foot-4 na si Alston.
“Tumatakbo, malakas mag-seal, can really play the middle as a big man,” pag-lalarawan ni Cardel kay Alston, nangga-ling sa paglalaro sa Uruguay.
Si Alston ay hiniram ng Beermen bilang ikalawang import para sa Terrific 12 ng East Asia Super League na nakatakda sa Setyembre 17-22 sa Macau.
Itatampok din ng Columbian ang mga nahugot sa NorthPort na sina center-forwards Joseph Gabayni at Lervin Flores at playmaker Juami Tiongson kapalit nina Russell Escoto at Jerramy King.
- Latest