^

PM Sports

Hitting spree pinasaya ang mga liyamadista

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi binigo ng top favorite Hitting Spree ang mga liyamadista matapos angkinin ang korona sa 2019 PHILRACOM “Four-Year-Old & Above Open Stakes Race” kahapon sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Nakipagbakbakan sa unahan ang Hitting Spree sa Truly Ponti hanggang far turn bago kumalas papasok ng hometurn.

Subalit ang mga kakampi naman ng Truly Ponti na Sooner Time at Pangalusian Island ang bumuliglig sa Hitting Spree, nirendahan ni class A rider JA Guce, sa rektahan.

Napasigaw ang mga dehadista sa pag-aakalang lalampas ang Pangalusian Island at Sooner Time subalit naging matatag sa unahan ang imported horse na Hitting Spree kaya nasikwat ang panalo at ibinulsa ng SC Stockfarm Inc. ang P300,000 na premyo.

“May lakas pa sa rekta kasi pinakitaan ko ng latigo at rumesponde naman si Hitting Spree,” saad ni Guce.

Tinawid ng Hitting Spree ang meta ng may dala­wang kabayo ang distansya sa nasegundong Pangalusian Island habang tumersero ang Sooner Time na pag-aari ni top horse owner Narciso O. Morales.

Nagrehistro ang Hitting Spree ang 1:51 minuto sa 1,750 meter race.

Nahamig ng Pangalusian Island ang P112,500 habang PP62,500 ang napunta sa connections ng Sooner Time.

Tumanggap naman ng P15,000 ang breeder ng winning horse mula sa Philippine Racing Commission.

Samantala, magandang laban din ang nasilayan ng mga karerista sa PHILRACOM - RBHS Class 4 (16-21) na pinasibat sa Race 3 matapos magbanatan sa rektahan ang nanalong Batang Bangkal at nasegundong Humble Submission.

Umarya sa largahan ang Mahilig at nakalamang agad ng anim na kabayo sa mga humahabol na Humble Submission at Batang Bangkal.

Pagsapit ng far turn ay nakalapit na ang Batang Bangkal sa Mahilig habang nakasunod ang Humble Submission.

Sa huling kurbada ay naagaw na ng Batang Bangkal na sinakyan ni class B jockey RB Simplicio, pilit naman humabol ng Humble Submission subalit kinapos ito.

Nilista ng Batang Bangkal ang 1:33.4 minuto sa 1,400 meter race sapat upang kopohin ng may-ari na si MG Yumang ang karagdagang P10,000 na premyo.

Tersero ang Big Big Brown habang pang-apat ang Mahilig.

 

vuukle comment

LIYAMADISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with