^

PM Sports

PHILRACOM Sampaguita Stakes pinaghahandaan ng lahat

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Target ng mga horse owners at trainers ang malaking halagang premyo sa 2019 PHILRACOM Sampaguita Stakes Race kaya naman puspusan nilang ine-ensayo ang kanilang mga kabayo.

May P2-M na guaranteed prize ang nasabing stakes race na pasisibatin sa Linggo sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite kung saan hahamigin ng unang kabayong tatawid sa meta ang tumatagin­ting na P1.2-M mula sa Philippine Racing Commission.

Pitong tigasing kabayo ang kasali at inaasahan na tututok ang mga liyama­dista sa Princess Eowyn at Trust Me.

Makakalaban ng Princess Eowyn at Trust Me ang Heiress Of Hope, Cerveza Rosas, Doktora, El DeBarge at Good Voyage sa event na may distansyang 1,800 meter race.

Kukubra ng tig P450,000 at P250,000 ang second at third pla­cers ayon sa pagkakasunod habang P100,000 ang iuuwi ng pang-apat.

Mag-uuwi naman ang breeder ng winning horse ng P70,000.

Ang handicapping weight ay base sa edad ng kabayo, papasanin ng Heiress Of Hope ang 54kgs, 53kgs ang Cerveza Rosas at Good Voyage habang 52kgs na ang iba.

Samantala, pinaghahadaan na rin ang mga papalapit na malalaking stake races, isa na rito ang PHILRACOM Juvenile Championships at ang prestihiyosong karera ng taon na Presidential Gold Cup Championship na ikakasa sa Disyembre.

vuukle comment

PHILRACOM SAMPAGUITA STAKES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with