^

PM Sports

Parañaque giniba ang Batangas; Pasay at Rizal nagwagi rin

Pang-masa

BATANGAS CITY, Philippines — Bumalikwas ang Parañaque Patriots mula sa naunang kabiguan ma­tapos kunin ang 61-57 panalo laban sa host Batangas City Athletics sa MPBL Lakan Season kamakalawa ng gabi di­to sa Batangas City Co­liseum.

Nagsalpak si Jemal Vizcarra ng 15 points, kasama rito ang krusyal na baskets sa huling 40 segundo ng laro, para sa Patriots at makabangon buhat sa  53-point loss sa Bacoor Strikers.

Ang kabiguan naman ang tumapos sa three-game winning streak ng Athletics.

Ito ang ikaapat na pa­nalo ng Parañaque sa 13 laro.

Ang jumper ni Vizcarra bago tumunog ang 24-shot clock violation ang nagbigay sa Pat­riots ng 60-55 bentahe na pu­migil sa tangkang paglapit ng Athletics.

Samantala, umiskor naman ng magkahiwalay na panalo ang Pasay Voyagers at Rizal.

Pinatumba ng Voya­gers ang Nueva Ecija-MiGuards, 75-69, para du­miretso sa kanilang ika-limang sunod na pananalasa.

Binanderahan ni Jan Jamon ang Pasay, pinaganda ang baraha sa 8-5, mula sa kanyang 13 points.

Nagdagdag si Raymond Ilagan ng 12 mar­kers at kumolekta si Dhon Reverente ng 10 points at 11 rebounds.

Tinakasan naman ng Rizal ang Bacolod City, 89-84.

vuukle comment

MPBL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with