^

PM Sports

Batangas asam ang Win No. 4 laban sa Parañaque

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines —  Pupuntiryahin ng Ba­tangas City Athle­tics ang kanilang ikaapat na sunod na panalo sa pag­sagupa sa Parañaque Pat­riots sa 2019 MPBL Lakan Season.

Magtutuos ang Athletics at Patriots nga­yong alas-8:30 ng gabi sa Batangas City Coli­se­um.

Paboritong manalo ang Batangas City na su­ma­sakay sa three-game winning run la­ban sa Parañaque (3-9) na nahulog sa apat na su­nod na kamalasan sa Northern Division na tor­neong itinatag ni Sen. Manny Pacquiao ka­tuwang si PBA le­gend Kenneth Duremdes bilang Commissioner.

Hangad ng Athle­tics na mapaganda ang bitbit nilang 6-3 baraha sa Southern Division ng regional amateur bas­ket­ball league.

Maglalaro naman ang Patriots na wala si Mike Saguiguit, napata­wan ng one-game suspension at multang P10,000 dahil sa kanyang unsportsmanlike be­havior sa kanilang la­ro ng Bacoor Strikers kung saan nila nalasap ang 53-point loss.

Sa alas-6:30 ng gabi ay magsusukatan naman ang Pasay Voyagers at Nueva Ecija MiGuards.

Naipanalo ng Voya­gers ang kanilang huling apat na laban, habang tatlong dikit na kabigu­an ang natikman ng MiGuards.

Maghaharap naman sa unang laro sa alas-4 ng hapon ang Bacolod at Rizal.

vuukle comment

MPBL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with