^

PM Sports

Motolite giniba ang Army para masolo ang No. 2 spot

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naalpasan ng Motolite ang mas beteranong Pacific Town-Army para itarak ang ikaapat nilang sunod na panalo, 25-16, 22-25, 25-18, 23-25, 15-10, sa Premier Volleyball League (PVL) Season 3 Open Conference kaha­pon sa The Arena sa San Juan City.

Nagpakitang-gilas si Myla Pablo na nagrehistro ng 24 points mula sa 23 attacks katuwang si Isa Molde na tumipa ng 19 markers at 11 excellent receptions.

Napatatag ng Motolite ang kapit nito sa solo second spot ng leader board tangan ang 4-2 record.

“At fourth set, at some point we thought that we had it but they came back strongly but what I can say that I’m happy my team played well,” sabi ni coach Godfrey Okumu sa Pacific Town-Army.

“I hope as time goes by we can get the same ex­perience as the Army had,” dagdag pa nito.

Tabla sa 1-1 ang laro at bumirada ang Motolite pagdating ng third sa pagposte ng 18-12 bentahe bago tuluyang angkinin ang set.

Ngunit nag-iba ang ku­­wento pagpasok ng fourth set.

Kontrolado ng Moto­lite ang laro bitbit ang 15-11 kalamangan bago umi­nit sina veterans Jovelyn Gonzaga at Nene Bautista para kunin ang 20-23 abante bago ihatid sa deciding set ang laro.

Sa decider ay minanduhan na ng Motolite ang laro sa 5-1 bentahe mu­la kina Pablo at Molde hanggang nagtuluy-tuloy sa 13-10 patungo sa ka­nilang panalo.

Nalasap naman ng Pa­­cific Town-Army ang ka­nilang magkasunod na kamalasan sa liga bitbit ang 2-2 marka.

Naglalaro pa kagabi ang PetroGazz Angels at Philippine Air Force La­dy Jet Spikers habang isinusulat ito.

Samantala, sinuwag ng UST Golden Tigres­ses ang TIP Lady Engineers via straight sets, 25-11, 25-9, 25-11, para ma­pahaba ang panalo sa tatlo at sunggaban ang li­derato sa Pool B ng Collegiate Confe­rence.

Nagtuwang sina Eya Laure at Joyce Abueg nang nagrehistro ng tig-walong puntos, habang nagparamdam si Imee Her­nandez na tumi­pa ng pitong marka.

May 3-0 baraha nga­yon ang Tigresses.

Sa iba pang laro, itinala rin ng Adamson Lady Falcons ang kanilang ikat­­long sunod na ratsa­da matapos wa­lisin ang mi­namalas na San Sebastian Lady Stags, 25-18, 25-10, 25-14.

Naiposte naman ng Letran Lady Knights ang unang panalo nang talu­nin Perpetual Help Lady Altas, 16-25, 24-26, 26-24, 25-18, 17-15.

 

vuukle comment

ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with