PBA, MPBL magtutulungan laban sa game-fixing
MANILA, Philippines — Taliwas sa paniniwala ng marami hindi magkalabang liga ang PBA at MPBL at pinatunayan nila ito sa pamamagitan ng pagtutulungan sa laban kontra sa game-fixing.
Nagpulong sina PBA chairman Ricky Vargas ng TNT, league commissioner Willie Marcial, MPBL CEO at founder Manny Pacquiao kasama si league commissioner Kenneth Duremdes para pag-usapan ang hakbangin laban sa illegal gambling na sumisira sa imahe ng dalawang liga.
Nasa pulong din sina Chaye Cabal-Revilla, asawa ni Congressman Strike Revilla at team owner ng Bacoor Strikers sa MPBL.
Pinag-usapan sa pulong ang planong hakba-ngin laban sa game-fixing habang masusing babantayan ang galaw ng mga players, coaches, team officials at referees.
Binalaan ni Senator Pacquiao ang mga players, teams at referees ukol sa game-fixing sa MPBL at nakikipagtulungan na ito sa PBA.
Ayon kay Duremdes, patuloy silang makiki-pagtulungan sa grupo ni Commissioner Marcial at muli nilang iginiit na hindi magkaribal na liga ang PBA at ang MPBL.
- Latest