^

PM Sports

Dating import sa bagong simula ng Aces

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa bagong kabanata ng kampanya ng bagong bihis na Alaska Aces sa PBA, kinokonsidera nila ang dating import na si Mike Harris bilang reinforcement sa paparating na 2019 PBA Governors’ Cup.

Ayon sa Aces na ginagabayan na ngayon ng bagong mentor na si Jeff Cariaso ay nasa negosasyon na ang koponan upang masiguro uli ang serbisyo ng kanilang batikang import.

Kagagaling lang ng 36-anyos na beterano sa Shedianlaojiu sa National Basketball League (NBL), ng China.

Ang dating NBA G-League MVP na si Harris ang numero unong import option ng Alaska at umaasang maisesel-yo na ang negosasyon ngayong linggo.

Matatandaan na noong nakaraang season-ending conference ay ibinulsa ni Harris ang Best Import matapos dalhin sa Finals ang Aces sa likod ng kanyang pambihirang ave-rages na 29.8 puntos at 21.7 rebounds.

Parehong numero ang aasahan ng Aces kay Harris kung matutuloy ang kanyang pagbabalik sa PBA.

Kung sakali, bagong coach naman sa katauhan ni Cariaso ang dadatnan ni Harris matapos ang pagbibitiw sa puwesto ni long-time mentor Alex Compton.

May bagong manla-laro rin na si Maverick Ahanmisi ang Alaska kapalit ni Ping Exciminiano na napunta sa Rain or Shine.

Sisiklab ang 2019 Governors’ Cup sa Set-yembre 20 matapos ang 2019 FIBA World Cup sa Foshan, China mula Agosto 31 hanggang Setyembre 15.

 

vuukle comment

ACES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with