^

PM Sports

Choco Mucho bumalikwas

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bumalikwas pabalik sa win-column ang Choco Mucho Flying Titans nang lunurin nila sa apat na sets ang masigasig na Chef’s Classics, 25-21, 22-25, 25-14, 25-18 sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Nakabawi ang Flying Titans ni coach Oliver Almadro matapos ang five-set na pagkatalo kamakailan sa PacificTown-Army para iposte ang 2-1 na baraha.

Pumalo ng 18 puntos si Kat Tolentino, mula sa 15 attacks at dalawang blocks, habang nag-ambag din ng 14 puntos si Arianna Angustia.

Nagparamdam din sa panalong ito sina Maddie Madayag at Bang Pineda na may 12 at 10 marka, ayon sa pagkakasunod at si Cindy Imbo na may walong puntos at 12 excellent digs.

Nanggulat ang Chef’s Classics pagda-ting ng second set nang makauna ito sa 8-6 bago tuluyang palubugin ng Choco Mucho at nakawin ang una nilang set win sa torneo.

Pero hindi nabitbit ng Lady Red Spikers ang momentum at nagawa muling umariba ng Flying Titans pagpasok sa third set sa pagposte ng 16-6 na bentahe tu-ngo sa panalo.

Nanguna si Nieza Viray na nagrehistro ng 14 puntos para sa Lady Red Spikers na patuloy ang paglubog sa 0-3 win-loss record.

Kasalukuyan namang naglalaban ang nagharap sa Finals ng Reinforced Conference noong nakaraang buwan na Creamline Cool Smashers at PetroGazz Angels as of press time.

Samantala, sa Collegiate Conference, ipinoste ng Arellano University Lady Chiefs ang ikalawang sunod na panalo sa apat na sets laban sa Lyceum of the Philippines University Lady Pirates, 25-23, 12-25, 25-21, 25-21.

Dinagit din ng Ateneo de Manila University Lady Eagles ang panalo sa pag-sweep sa San Sebastian College Lady Stags, 25-17, 25-17, 25-8 habang nasa tuktok pa rin ng Pool A ang Adamson Lady Falcons nang paluhurin nito ang University of Perpetual Help Lady Altas, 25-20, 25-19, 25-13.

vuukle comment

CHOCO MUCHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with