SEA Games volunteers aasahan
MANILA, Philippines — Tuluy-tuloy na ang andar ng preparasyon para sa SEA games at mahalagang papel ang gagampanan ng mga ins-titutions at libu-ibong volunteers papasok sa huling 99-araw bago ang opening ng biennial sports event.
May 11,000 athletes at team officials, 530 medal events sa 56 sports, 44 competition venues para sa 30th edition ng SEAG na tatagal ng 12 araw sa apat na clusters-- Clark, Subic, Metro Manila at iba’t ibang lugar sa South Luzon.
May 9,000 volunteers ang nagpalista saSEA games Volunteer Program na tuturuan ng PHISGOC sa kanilang tasks and responsibilities sa events proper.
Itatalaga ang mga vo-lunteers sa specific functional areas ng PHISGOC depende sa kanilang skill sets at inte-rests para sa matagum-pay na ikaapat na hosting ng Pinas ng SEA Games.
Pinasalamatan ng PHISGOC Executives ang mga volunteers mula sa Clark, Subic, Metro Manila, North at South Luzon at sa ibang bahagi pa ng bansa at hinikayat na magtulu-ngan para sa pagdaraos ng ‘di malilimutang SEA Games hosting.
- Latest