^

PM Sports

Red Lions nanatiling Malinis

Francisco Cagape - Pang-masa
Red Lions nanatiling Malinis
Si Franz Abuda ng San Beda laban kina Unique Naboa at Yankie Haruna ng St. Benilde.
PM photo ni Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Ipinakita ng three-peat champion San Beda Red Lions ang kanilang lakas nang tambakan ang St. Benilde Blazers, 88-57 kahapon at manatiling walang talo sa walong laro sa pagpapatuloy ng Season 95 NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Nilimitahan ng Red Lions ang Blazers sa siyam na puntos lamang sa unang yugto, 20-9, patungo sa ka­nilang pang-21 sunod na panalo simula pa noong na­karaang taon.

Ang huling talo ng Mendiola-based team  ay noon pang Agosto 21, 2018 sa mga kamay ng Lyceum Pirates, 66-73 sa first round elimination.

Susubukan ng tropa ni coach Boyet Fernandez na walisin ang unang round ng elimination sa pagharap sa Mapua Cardinals sa Martes sa parehong venue.

“As what I’ve always said, we always take it on a game-to-game basis. We still have 10 more games to go, so we take it one game at a time. Our main objective is to make it to the top two so we can have the twice-to-beat advantage. For us, everytime we win, it gives us a bit of a leeway from the teams behind us para di kami kabahan sa dulo,” sabi ni Fernandez na asam ang pang-apat sunod na titulo.

Ang 31-point winning margin ng Red Lions ay pumantay sa 82-51 panalo ng San Sebastian Stags kon­tra sa Jose Rizal Heavy Bombers noong Hulyo 9 bilang pinakamataas sa season na ito.

Apat na Red Lions sa pangunguna ni Calvin Oftana ang nag-ambag sa kabuuang 60 puntos para higitan pa ang buong score ng Blazers na bumaba sa solo third spot sa 5-2 win-loss kartada sa likuran ng San Beda (8-0) at Lyceum Pirates (6-2).

Si Oftana ay umukit ng bagong career-high na 27 puntos bukod sa siyam na rebounds, habang si AC Soberano ay tumulong ng 14 puntos at 11 naman kay James Kwekuteye. Si Evan Nelle ay tumipak ng walong puntos.

Tinambakan din ng San Sebastian Stags ang Perpetual Help Altas, 107-90 para masungkit ang ikaapat na panalo (4-3) at manatili sa pang-limang puwesto sa standing. Ang Altas ni coach Frankie Lim ay nahulog sa 3-6 record.

 

vuukle comment

RED LIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with