^

PM Sports

UAAP basketball siksik ang sched

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Asahan ang mas ma­iksing basketball season sa UAAP Season 82 upang bigyang-daan ang pag­ho-host ng bansa ng 2019 Southeast Asian Games na gaganapin sa Nob­yembre 30 hanggang Dis­yembre 11 sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

Kung dati ay dalawang laro lamang ang pinaglalabanan tuwing Miyerkules, gagawin itong tatlo upang mas mapabilis at maagang matapos ang torneo.

Nakatakda ang ope­ning ceremonies sa Set­yem­bre 1 ngunit lalarga ang basketball competitons ng pinakaprestihiyosong collegiate league sa bansa sa Setyembre 4 sa Smart Araneta Coliseum.

Unang masisilayan ang triple-bill tampok ang bakbakan ng reigning champion Ateneo de Manila University at Season 81 semifinalist Adamson Uni­versity sa alas-4.

Hahataw din ang duwelo ng University of San­to Tomas at Universi­ty of the East sa alas-10:30 ng umaga kasunod ang engkuwentro ng Season 81 runner-up University of the Philippines at Far Eastern University sa alas-12:30 ng tanghali.

Maagang matutungha­yan ang inaabangang ri­valry ng Ateneo at De La Salle University na sa­sambulat sa Setyembre 8 sa Big Dome sa alas-4.

Bago ang Blue Eagles-Green Archers match, nakatakda ang laban ng University of the East at FEU sa alas-12 ng tanghali.

Gaya ng dati, hiwalay ang tiket sa laban ng Ateneo-La Salle at UE-FEU.

Magtatagpo naman sa rematch ng Season 81 finals ang Ateneo at UP sa huling araw ng first round ng eliminasyon sa Set-yembre 29 sa Araneta.

Maliban sa Smart Araneta at Mall of Asia Arena na regular na venues ng liga, may mga laro rin sa Ynares Sports Center sa An­tipolo City sa Setyembre 21 at 22.

Karaniwan nang nata­tapos ang UAAP basketball tuwing Disyembre.

Ngunit tiniyak ng UAAP Management Com­mittee na pamumu­nu­an ni Commissioner Re­bo Saguisag na tatapu­sin ang liga bago ang SEA Games dahil kasama ang Smart Araneta Coliseum at MOA Arena sa mga official venues ng biennial meet.

vuukle comment

2019 SOUTHEAST ASIAN GAMES

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with