^

PM Sports

Dwight Howard lalaro sa Lakers?

Pang-masa
Dwight Howard lalaro sa Lakers?

LOS ANGELES -- Posibleng kunin ng Lakers ang isa sa mga dati nilang players para punan ang posisyong maiiwan ni center DeMarcus Cousins dahil sa season-ending injury nito.

Inaasahang muling tatapikin ng Los Angeles si center Dwight Howard, naglaro ng isang season para sa koponan noong 2012-13 matapos ang gagawing buy out ng Memphis Grizzlies.

Iniulat ng ESPN na pinagbigyan ng Grizzlies ang kahilingan ng mga kinatawan ni Howard na makipag-usap sila sa ibang mga teams, isa na rito ang Lakers.

Nagposte si Howard ng mga averages na 17.1 points at 12.4 rebounds para sa Lakers sa kanyang nag-iisang season kung saan sila tumapos na may 45-37 record at winalis ng San Antonio Spurs sa first round ng playoffs.

Maglalaro sa kanyang ika-16 season, magmumula ang 33-anyos na si Howard sa isang shortened season matapos makita sa siyam na laro para sa Wa-shington Wizards. Ito ay dahil sa kanyang back surgery at iba pang injuries.

Nagkaroon si Cousins ng torn ACL sa kanyang kaliwang tuhod sa kanilang workout sa Las Vegas, Nevada at dahil dito ay walang katiyakan kung makakalaro siya sa buong 2019-2020 season.

Nauna nang lumagda ang 29-anyos na si Cou-sins sa isang $3.5-million, one-year deal sa Lakers sa free agency matapos ang isang season sa Golden State Warriors.

Hindi siya nakapag-laro sa first half ng 2018-19 season dahil sa kanyang pagrerekoberr mula sa torn Achilles.

Sa siyam na NBA seasons ay nagposte si Cousins ng mga averages na 21.2 points at 10.9 rebounds per game.

Makakasama sana niya sa Lakers ang dati niyang New Orleans Pelicans teammate na si Anthony Davis.

Bukod kay Howard, interesado rin ang Lakers kay free-agent veteran Joakim Noah.

vuukle comment

DWIGHT HOWARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with