^

PM Sports

Mas mainit ang hatawan sa pagsisimula ng quarterfinal

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magsisimula na ang bakbakan para sa unang dala-wang upuan sa semifinals ng 2019 Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Conference.

Maghaharap sa unang laro ng knockout quarterfinals ngayong araw ang Rank 3 na Foton Tornadoes Blue Energy at Rank 6 PLDT Home Fibr Power Hitters bandang alas-4:15 ng hapon.

At susundan agad ng labanan sa pagitan ng Rank 1 at defending champion na Petron Blaze Spikers at Rank 8 na Marinerang Pilipina Lady Skippers sa ganap na alas-7 ng gabi.

Parehong galing sa panalo ang Tornadoes at Po-wer Hitters sa huling laro nito sa eliminations kaya parehong may bitbit na kumpiyansa ang dalawang tropa sa labang ito.

Winalis ng Foton nito lang Martes ang Marinerang Pilipina Lady Skippers, 25-15, 29-27, 25-14 na nagpatatag sa kapit nito sa third spot habang pinaluhod naman ng PLDT noong Sabado sa Cagayan de Oro City ang F2 Logistics, 25-21, 26-28, 15-25, 25-19, 15-11.

Sasandalan muli ng Foton ni coach Aaron Velez ang magkapatid na Dindin Santiago-Manabat at Jaja Santiago katuwang ang mga beteranong sina Mina Aganon, Marian Buitre, at CJ Rosario.

Babandera naman para sa PLDT ni coach Roger Gorayeb sina Gretchel Soltones, Aiko Urdas at Jerrilli Malaba-nan kasama rin sina Shola Alvarez, Jasmine Nabor at Sasa Devanadera.

Papasok man sa quarterfinals na walang panalo, lalaban pa rin ang Marinerang Pilipina para makaisa at manakaw ang semis spot habang susu-bukan ng Petron na mapatatag pa ang laro nito.

Sasamantalahin ng Blaze Spikers ang hawak nitong bentahe matapos manakaw ang huling panalo kontra sa Foton, 25-23, 24-26, 24-26, 25-22, 19-17 sa pangunguna nina Sisi Rondina, Bernadeth Pons, Mika Reyes, Rhea Dimaculangan at Aiza Maizo-Pontillas.

vuukle comment

PHILIPPINE SUPERLIGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with