^

PM Sports

2-sunod sa Creamline

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinungkit ng Creamline Cool Smashers ang ikalawang sunod nitong panalo matapos paluhurin ang Motolite, 25-14, 25-15, 25-14 sa Premier Volleyball League (PVL) Season 3 Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan.

Inilampaso ni Alyssa Valdez at ng Cool Smashers ang Motolite ni Myla Pablo para iposte ang 2-0 baraha sa ikalawang araw ng torneo.

“It’s all about preparation for us and ‘yun naman ‘yung talagang puhunan each and every game is our trainings and ‘yung teamwork namin. Mas pinapabuti lang namin every single game,” wika ni Michele Gumabao na may siyam na puntos.

Nanguna para sa Cool Smashers ang kapitana na si Alyssa Valdez na may 15 puntos mula sa 12 attacks at tatlong aces habang may 12 puntos at 15 digs si Jema Galanza.

Umariba rin sa depensa ang Cool Smashers sa pagpaparamdam ng libero nito na si Kyle Atienza na may 18 excellent digs at siyam na excellent receptions.

“Kung paano namin dadalhin ‘yung character namin outside into the game, ‘yun ‘yung laging ni-reremind sa amim ni coach Tai [Bundit],” dagdag ni Valdez.

Samantala, nagpa-kitang-gilas naman ang bagong saltang Choco Mucho Flying Titans sa pagkopo ng unang panalo nito sa liga nang walisin ang BaliPure Purest Water Defenders, 25-12, 25-18, 25-18.

Pumalo si Kat Tolentino ng 16 puntos sa likod ng 10 attacks, dalawang blocks at dalawang aces habang nag-ambag naman ng 11 puntos si Maddie Madayag.

May walong puntos naman na sahog si Bangs Pineda habang may dalawang puntos na panapos ang nagbabalik si Manilla Santos-Ng.

“I’m happy that we won in our first game, sabi ko nga kanina sa kanila sa huddle, normally people will say first game jitters [pero] sabi ko sa kanila mawawala ‘yun if you play maturely and we really stick together,” sabi ni Choco Mucho coach Oliver Almadro.

Tumapos naman ng tig-siyam na puntos sina Grace Bombita at Menchie Tubiera para Purest Water Defenders na nalasap ang unang kabiguan nito.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with