^

PM Sports

SMB puro na Lamang na sa 3-2

John Bryan Ulanday - Pang-masa
SMB puro na Lamang na sa 3-2
Isang tagpo sa Game 5 kagabi ng TNT Katropa at San Miguel Beer.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Binura ng San Miguel Beer ang 16-puntos na pagkakaiwan sa fourth quarter upang sikwatin ang 99-94 panalo sa Game 5 kontra sa Talk ‘N Text at makapagtayo ng 3-2 abante sa kanilang 2019 PBA Commissioner’s Cup best-of-seven Finals kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Nagningning para sa Beermen ang import na si Chris McCullough na ibinuhos ang 19 mula sa kanyang 35 puntos sa fourth quarter kabilang na ang panlamang na layup sa huling 26.5 segundo sahog pa ang 22 rebounds, four assists at three blocks.

Umalalay naman sa kanya si Terrence Romeo na may 22 puntos sa apat na tres gayundin si June Mar na humakot ng 16 puntos, 11 rebounds at dalawang supalpal.

“Napakahirap na panalo ito lalo na’t we’re down by 16 points. I’m happy for my players because they all did their roles,” ani head coach Leo Austria ng Beermen na lumapit ng isang panalo na lamang sa kampeonato ng mid-season conference.

“I wanted Chris to take the last shot because I can see on his eyes that really wanted to win.”

Naghahabol pa sa malaking 69-85 deficit sa simula ng payoff period, nagpakawala ang Beermen ng pambihirang 26-9 panapos na bomba na kinatampukan nga ng game-winning layup ni McCullough.

Matapos sumablay ni Terrence Jones sa kanyang sariling game winner ay sinelyuhan pa ng dating NBA player mula sa Brooklyn ang panalo sa dalawang free throws sa huling segundo bago sundan ni Chris Ross ng dalawa pang freebies tungo sa tagumpay ng SMB.

Dahil dito ay nauwi sa wala ang 35 puntos, 18 rebounds, 8 assists, 4 steals at 2 supalpal ni Jones sa TNT na nalasap ang kanilang ikalawang sunod na talo matapos na lumamang sa serye, 2-1.

Nasayang din ang 18 at 16 puntos nina Jayson Castro at Troy Rosario para sa KaTropa na susubok makapuwersa ng winner-take-all Game 7 sa krusyal na salang nito sa Game 6 ngayong Biyernes sa Big Dome pa rin.

vuukle comment

PBA

SAN MIGUEL BEER

TALK ‘N TEXT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with