^

PM Sports

Mojdeh nilangoy ang ginto sa Hong Kong Open

Chris Co - Pang-masa
Mojdeh nilangoy ang ginto sa Hong Kong Open

MANILA, Philippines — Isinalba ni Swimming Pinas standout Mi­­caela Jasmine Moj­deh ang kampanya ng Pi­lipinas matapos masungkit ang nag-iisang gold medal ng na­tional team sa 2019 Hong Kong Open Swimming Championships sa Vic­to­ria Park Swimming Pool sa Cuaseway Bay, Hong Kong.

Sa huling araw ng kumpetisyon ay inilabas ng 13-anyos na si Moj­deh ang kanyang bangis matapos magtala ng da­lawang minuto at 20.01 segundo upang matamis na kubrahin ang ginto sa women’s 200-meter butterfly.

“Saving the best for last. Gold for the Philippines. What a proud moment for this young girl who at only 13 years old was able to win a gold in the National Hong Kong Open Championship. She said she never wan­ted to go home without bringing any medal for the Philippines,” wika ni Swimming Pinas team ma­nager Joan Mojdeh.

Tinalo ng Brent In­ter­national School student ang kababayang si Rasalee Santa Ana na nagtala ng 2:20.06 at si Sounthorncho Suipasuta ng Thailand na naglista naman ng 2:20.91.

Nagpasalamat naman si Moj­­deh sa kanyang mga coa­ches na si­na Alex Papa, Mar­lon Dula at Virgie de Lu­na na pangunahing gu­magabay sa kanyang mga laban gayundin sa yu­maong si Philippine Swimming League pre­sident Susan Papa.

“Talagang nami-miss na niya si coach Susan. Sabi niya iba pa rin daw talaga kapag si coach Susan ‘yung nagbibigay sa kanya ng ins­tructions every time na la­laban siya. We want to de­di­cate this victory to her,” dag­dag ni Joan.

Sa panalo ni Mojdeh ay higit na lumakas ang tsansa niyang makapasok sa national team na sasabak sa darating na 2019 Southeast Asian Games na idaraos sa New Clark City sa Nob­yem­bre 30 hanggang Dis­yembre 11.

Kasama ni Mojdeh sa Hong Kong meet sina Jules Mirandilla, Jordan Ken Lobos, Marcus De Kam, John Neil Pade­res at Yohan Cabana na nagtala ng personal best sa kani-kanilng events.

Kumuha si Olympian Jasmine Alkhaldi sa tatlong pilak at isang tanso at nagbulsa si Sacho Ilustre ng isang pilak at isang tanso.

vuukle comment

2019 HONG KONG OPEN SWIMMING CHAMPIONSHIPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with