^

PM Sports

Castro mas gusto ang PBA crown

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Castro mas gusto ang PBA crown
Jayson Castro

MANILA, Philippines — Walang saysay ang Best Player of the Conference award ni Jayson Castro kung hindi makukumpleto ang misyon ng TNT Katropa na masikwat ang 2019 PBA Commissioner’ s Cup championship.

Iyan ang sinabi ng 33-anyos na point guard matapos maibulsa ang tropeo sa mid-season conference.

“Siyempre, masaya ako. Pero siyempre, number one goal din namin is makuha ‘yung championship,” ani Castro na siyang hinirang na BPC sa unang pag­ka­kataon sa loob ng tatlong taon simula nang huling magwagi noong 2019 Governors’ Cup.

Nakuha ito ng Pampanga native matapos dalhin sa PBA Finals ang Tropang Texters matapos noong 2017 Commissioner’s Cup sa likod ng kanyang impresibong averages na 15.6 points, 5.3 rebounds, 6.4 assists at 1.8 steals.

Nakaipon si Castro ng 1077 points upang daigin si June Mar Fajardo (762 points) ng San Miguel gayundin ang mga rookies na na sina Ray Parks (576) ng Blackwater, CJ Perez (428) ng Columbian at Ro­bert Bolick ng Northport (421).

Ito na ang ika-limang BPC ni Castro upang makatabla si Danny Ildefonso sa ikalawang puwesto ng may pinakamaraming parangal sa kasaysayan, sa li­kod ni Fajardo na may walong BPCs.

Sa kabila nito ay sa korona ng PBA Commissio­ner’s Cup nakatuon ang atensyon ni Castro.

“Ang tagal na rin naming hindi nagcha-cham­pion. Sila lagi ang nagcha-champion eh. Sana kami na­man,” ani Castro sa San Miguel.

vuukle comment

JAYSON CASTRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with