^

PM Sports

Mayweather naghahanda sa rematch kay Pacquiao?

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tila nagpaparamdam na si undefeated Ame­rican fighter Floyd Mayweather, Jr. na magbabalik siya sa boksing dahilan upang lumakas ang tsansang matuloy ang inaabangang re­match nila ni world eight-division champion Manny Pacquiao.

Sa kanyang Insta­gram post ay nakitang nag­sisimula nang mag-ensayo si Mayweather sa isang boxing gym.

Ipinamalas ni Mayweather ang kanyang hu­say sa punching ball kung saan kita pa rin ang matikas niyang por­ma.

Naka-tag sa naturang post ang Mayweather Promotions kaya’t na­buhayan ng dugo ang mga boxing fans sa po­si­bilidad na matuloy ang Pacquiao-Mayweather mega bout.

Huling nasilayan sa aksyon si Mayweather sa isang professional competitive boxing no­ong 2015 nang itala nito ang unanimous decision win laban kay Andre Berto sa MGM Grand Gar­den Arena sa Las Ve­­gas, Nevada.

Ito ang huling taon na nakahawak si Mayweather ng world title - ang World Boxing Council welterweight belt at ang World Bo­xing Association super welterweight title na ka­salukuyang hawak ni Pacquiao.

Matapos nito, tinalo ni Mayweather si Conor McGregor noong 2017 via 10th-round technical knockout kasunod ang exhibition match laban kay Tenshin Nasukawa noong nakaraang taon.

Kaya naman balik na sa ensayo si May­wea­ther na posibleng pag­hahanda sa rematch kay Pacquiao na inaasahang tatabo sa takilya at kikita ng milyun-milyong dol­yares sakaling matuloy.

Pormadung-pormado si Pacquiao na sariwa pa sa split decision win kontra kay Keith Thurman para makuha ang WBA super welterweight title noong na­ka­­raang buwan sa MGM Grand Garden Arena.

Nauna nang inihayag na handa si Pacquiao na muling harapin si Mayweather.

vuukle comment

MAYWEATHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with