^

PM Sports

Horse racing industry patuloy ang pagbulusok

Pang-masa

MANILA, Philippines — Maraming dahilan ang paghina ng benta sa tatlong karerahan sa Pilipinas.

Ilan dito ay ang mahinang pamamalakad ng kasalukuyang administrasyon ng Philippine Racing Commission (Philracom), ang pagpasok ng online sabong sa ilang off-track betting (OTB) stations ng karera, ang pagpapatupad ng TRAIN Law noong nakarang taon.

Nagpabagsak din sa Philippine horse racing industry ang paglaganap ng illegal bookies sa Metro Manila.

Mula sa gross annual sales na P8.2 bilyon noong 2014 ay bumagsak ang benta ng tatlong karerahan sa Pilipinas sa P7.7 bilyon noong 2015.

Hindi napigilan ang patuloy na paghina ng benta sa sumunod na dalawang taon kung saan kumolekta ng total earnings ang karera ng P7.2 bilyon no­ong 2016 at P7.3 bilyon noong 2017.

Nakaapekto dito ang online sabong at ang TRAIN Law noong nakarang ta­on na lalong nagpadapa sa benta ng karera sa P5.5 bilyon.

Dahil sa liit ng benta at premyo sa mga karera at ‘high cost’ sa pag-maintain ng mga race horses ay napilitan ang ilang horse owners na tumigil na sa pa­ngangarera, habang nag-abroad na rin ang ilang hinete para magtrabaho doon bilang ‘farm hands’ o ‘exercise riders’.

Kumpara sa Pilipinas, patuloy na umaangat ang horse racing industry sa mga Asian countries kagaya ng Japan, Hong Kong, Singapore, South Korea, Macau at Malaysia.

Sa kabila nito ay umaasa pa rin ang mga stakeholders ng karera sa Pilipi­nas na matutugunan ito ng Malacañang kung saan napapasailalim ang Phil­ra­com, ang ahensiya ng gobyerno na inatasang protektahan, pangalagaan at palaganapin ang horse racing industry sa bansa.

Dudulog sa Palasyo sa susunod na linggo ang ilang grupo sa karera para hu­mingi ng tulong at suporta kay Pangulong Rodrigo Duterte.

vuukle comment

PHILIPPINE RACING COMMISSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with