^

PM Sports

Ikatlong dikit na panalo hahatawin ng Lifesavers

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa
Ikatlong dikit na panalo hahatawin ng Lifesavers

MANILA, Philippines — Pakay ng Generika-Ayala Lifesavers na ire­his­tro ang ikatlong sunod na panalo, habang pi­lit namang babangon mu­la sa kabiguan ang PLDT Home Fibr Po­wer Hitters sa 2019 Phi­lippine Superliga All-Filipino Conference sa The Arena sa San Juan City.

Ngayong alas-7 ng ga­bi ang bakbakan ng da­lawang tropa sa se­cond round ng eliminations.

Sasamantalahin ng Life­savers ang tangan ni­­lang momentum matapos ang kanilang five-set victory kontra sa Cignal HD Spikers noong na­ka­raang Sabado.

Tinakasan ng Gene­rika-Ayala ang Cignal sa likod ng kanilang 26-24, 19-25, 26-24, 18-25, 16-14 pa­nalo para mas mapatibay ang pagkapit sa solo third spot hawak ang 8-5 baraha.

Hindi pa rin makaka­pag­laro para sa tropa si Angeli Araneta kaya’t aasahan muli ni coach Sherwin Meneses na magdeliber sa kanila si­na sa Fiola Ceballos, Pat­ty Orendain, Jaime La­­vitoria, Me’ann Mendrez at Ria Meneses.

Samantala, susu­bu­kan naman ng Po­wer Hitters na maka­ba­wi matapos silang pa­lu­hurin ng Cignal HD Spi­kers noong Martes sa kanilang five-set thriller match sa Muntinlupa Sports Center.

Hindi bumitaw ang koponan ni multi-titled mentor Roger Gorayeb sa nasabing laro.

Ngunit sadyang han­da ang HD Spikers na ta­kasan sila at ipalasap ang 25-23, 20-25, 16-25, 25-23, 9-15 kabigu­an.

Babanderang muli pa­ra sa Power Hitters ang kanilang core sa pangunguna nina Gret­chel Soltones, Aiko Ur­das, Shola Alvarez, Je­rilli Malabanan, Gen Ca­sugod at Jasmine Nabor.

Sa pagtatapos ng se­cond round eliminations ay tutungo ang lahat ng tropa sa knock quarter­finals kung saan ang mag­haharap ang No. 1 at No. 8, ang No. 2 at No. 7, ang No. 3 at No. 6 at ang No. 4 at No. 5.

Bubuksan ang nasa­bing double-header sa alas-4:15 ng hapon sa pa­gitan ng F2 Logistics Cargo Movers at Petron Blaze Spikers.

vuukle comment

2019 PHI­LIPPINE SUPERLIGA ALL-FILIPINO CONFERENCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with