^

PM Sports

Manilla aagaw ng eksena sa PVL

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA, Philippines — Maraming na-excite sa muling pagbabalik sa volleyball ni legendary spiker Manilla Santos-Ng.

Ano nga ba ang dahi­lan ng biglaan niyang pagbabalik?

Halos isang de­ka­dang nawala sa local volleyball scene si Santos-Ng, huling naglaro sa UAAP women’s volleyball Season 71 kung saan huli siyang nakatikim ng kampeonato.

Matapos ito ay bi­ni­ta­wan niya ang sports kasabay ng pagreretiro ng De La Salle University sa kanyang jersrey No. 14, ang nag-iisang jersey sa women’s vol­ley­ball na iniretiro ng es­kuwelahan.

Pero noong nakaraang linggo ay muling gu­mawa ng ingay si Santos-Ng nang umalis sa retirement para mag­laro sa Open Confe­rence ng Premier Volley­ball League sa tropa ng Cho­co Mu­cho Flying Titans.

Sa ginanap na media day ng PVL ay inilahad ni Santos-Ng na ang kanyang anak ang isa sa mga dahilan kung bakit siya muling bumalik sa sports.

“We’ll I came back be­cause my son asked me that he wants to see me play again. So, it all started there,” ani Santos-Ng, makaka­sama sa kampanya ng Flying Titans sina Kat Tolentino, Maddie Madayag, Bea de Leon, Gy­ra Barroga at Bang Pi­­neda.

vuukle comment

UAAP

VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with