Jockey MM Gonzales sinuspinde dahil sa ‘foul riding’
MANILA, Philippines — Pinatawan ng Philippine Racing Commission si jockey MM Gonzales ng 156 racing days suspension dahil sa foul riding.
Ito ay kaugnay sa nangyari noong Linggo.
Nauna man sa pagtawid sa finish line ang My Jopay ay ang Shanghai Grey ang idineklarang nanalo sa 2019 Philracom Lakambini Stakes Race sa Saddle and Clubs Leisure Park sa Naic, Cavite.
Ayon sa Philracom Board of Stewards, lumabag sa patakaran ang My Jopay na iginiya ni jockey MM Gonzales laban sa Shanghai Grey na dinala ni jockey JB Hernandez sa nasabing 1,6000-meter race.
“Stewards repeatedly reviewed the tape of the race and observed that during the jump out, My Jopay sharply shifted in unto Shanghai Grey denying the latter a fair start. At the final turn, My Jopay shifted ground outwards 10-horses wide, carrying Shanghai Grey further outside. Stewards ruled that the two infractions committed on Shanghai Grey merited the disqualification of the winner (My Jopay) and alter the original order of arrival,” wika sa Philracom.
Itinakbo ng Shangai Grey ang premyong P900,000 para kay horse owner Melanie Habla at tumanggap si breeder Erwin Habla ng breeder’s purse na P60,000.
“Game plan namin pasabay-sabay lang sa top 3, tapos hataw sa rekta. Malinaw sana na panalo kung walang interference,” sabi ni Hernandez na napansing inilipat ni Gonzales ang latigo sa kanyang kaliwang kamay na nagtulak sa My Jopay na mag-iba ng takbo.
Nagbulsa naman ang My Jopay ni horse owner Moses Villasenor ng runner-up pot na P337,500.
Ang My Shelltex (owner Antonio Tan, jockey JB Guce) ay sumikwat ng third-place prize na P187,500 kasunod ang Shanghai Grey’s stablemate at fourth placer Two Timer (jockey JA Guce) na sumikwat ng P75,000.
Ang iba pang nanalo sa kanilang mga karera ay ang Indubitably (Race 1), Cavite Royale (Race 2), Hardliner (Race 3), Ifyourhonorplease (Race 4), Triton (Race 6), Early Bird (Race 7), Fort McKinley (Race 8, Concert King (Race 9), Daanbantayan (Race 10), Desert Gold (Race 11) at Halo Wander (Race 12).
Samantala, plano ng Philracom na magtakda ng ilang charity races ngayong buwan para makatulong sa mga biktima ng lindol sa Batanes.
Pakakawalan din ng Philracom ang mga bigating stakes races kagaya ng Sampaguita Stakes Race sa Setyembre 15 at ang first legs ng Juvenile Fillies and Colts Stakes Races sa Oktubre at ang 3YO Imported/Local Challenge sa Oktubre 20.
- Latest