^

PM Sports

Hindi pa tapos ang gulo sa POC?

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Sa attendance na naitala sa unang POC board meeting na ipinatawag ng bagong POC president na si cycling chief and Tagaytay Rep. Bambol Tolentino noong Biyernes, ramdam kaagad na hindi pa rin papayapa ang national Olympic body.

Hindi nakabuo ng quorum dahil tanging si Tolentino, chairman Steve Hontiveros, immediate past president Ricky Vargas, board member Cynthia Carrion, reinstated secretary general Patrick Gregorio at dating IOC representative to the Philippines Frank Elizade ang present.

Wala ang malaking bloc na kilalang kabangga ng bloc ni Tolentino at Vargas.

Muli nang nagsalita ang general assembly at ibinigay ang mandato ng pamumuno kay Tolentino sa special polls na dinaluhan pa ng representante mula International Olympic Council at Olympic Council of Asia.

Pero kung ang attendance nga sa nakaraang POC board meeting ay isang hudyat, malinaw na biyak pa rin ang liderato ng Philippine sports at mukhang masalimuot pa rin ang landasin ng POC.

Pero dahil babad sa pulitika, marami ang naniniwalang kakayanin ni Tolentino na harapin ang pulitika sa POC at makakaraos siya sa kanyang mandato haggang sa katapusan ng 2020.

Si Tolentino mismo ay positibo kahit na wala siyang numero sa board dahil kanya naman ang mayorya sa general assembly.

“I will be bringing this issue to the GA,” aniya na naniniwalang ang general assembly ang may “supreme authority” sa lahat ng isyu sa POC.

Partikular na balak niyang dalhin sa gene-ral assembly ang mga ninombra niya na makatulong sa pagpapatakbo ng opisina.

Kasama rito si Vargas bilang chair ng constitutional amendments commission at si Gen. Lucas Managuelod bilang head ng membership and accreditation.

vuukle comment

POC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with