^

PM Sports

San Juan tangka ang win No. 8

Pang-masa

MANILA, Philippines — Pupuntiryahin ng San Juan Knights ang kanilang pang-walong panalo sa pagsagupa sa Quezon City Capitals sa Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Season sa ganap na alas-8:30 ngayong gabi sa The Arena sa San Juan City.

Hangad ng San Juan, naghari sa MPBL Datu Cup na mapanatiling malinis ang kanilang imakuladang kartada laban sa Quezon City, may 4-3 marka.

Nagmula ang Knights sa 87-79 overtime win laban sa Bataan Risers noong Hulyo 27 sa Ibalong Centrum for Recreation sa Legaspi City.

Muling sasandal ang tropa kina Mike Ayona-yon, Jhonard Clarito, John Wilson, Mac Cardona at Larry Rodriguez kontra sa Capitals.

Samantala, lalabanan naman ng Batangas City Athletics ang Pasay Vo-yagers sa alas-4 ng hapon kasunod ang sultada ng Muntinlupa Cagers at Nueva Ecija MiGuard sa alas-6:30 ng gabi.

Target ng Athletics, inaugural MPBL Rajah Cup titlist, ang kanilang ikatlong sunod na panalo sa pagharap sa Voyagers, nagmula sa 83-78 paggiba sa Bacolod Strikers noong Agosto 1.

Sina Jhaymo Eguilos at Jeff Viernes ang muling gagabay sa Muntinlupa (3-1) laban kina Jan Jamon at Raymund Ilagan ng Pasay (4-5).

 

vuukle comment

SAN JUAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with