^

PM Sports

PLDT bumalik sa pamatay na porma

Pang-masa
PLDT bumalik sa pamatay na porma

MANILA, Philippines — Winalis ng PLDT Home Fibr Power Hitters ang Marinerang Pi­lipina Lady Skippers, 25-16, 25-23, 25-20, pa­­ra iposte ang ikaapat na panalo sa 2019 Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nakabawi ang PLDT sa huling pagkatalo nito noong nakaraang linggo kontra sa nagdedepensa sa koronang Petron para mas lalong tumatag ang kapit sa ikaanim na puwesto tangan ang 4-7 ba­raha.

Umariba para sa Po­wer Hitters si Gretchel Soltones na pumalo ng 11 points sa likod ng 10 attacks katuwang si Aiko Urdas na may siyam na marka sa kanyang pangalan.

Umalalay din sa tropa sina Sasa Devanadera at Jerilli Malabanan na rumehistro ng siyam at walong puntos, ayon sa pagkakasunod.

“Naghahabol kasi ka­­mi ngayon. Siyempre, lahat ng ipapanalo mas importante. Hindi naman gagalaw ‘yung standing namin, number six pa rin kami,” sabi ni head coach Roger Gora­yeb.

“Okay lang, at least nakapanalo,” dagdag pa nito

Kontrolado ng PLDT ang first set ng laro kung saan naiposte nito ang ma­la­king 24-16 bentahe ba­­go ito nakawin.

Pero pagpasok ng se­cond set ay umariba ka­agad ang Lady Skippers at inirehistro ang 14-9 ka­lamangan.

Hindi nagtagal ang ha­wak na lamang ng Marinerang Pilipina at naitabla ng PLDT sa 14-14 ang laro sa pagsasabwatan nina Malabanan at Soltones at umalagwa na ito hanggang sa dulo.

Bumawi sa third set ang Lady Skippers at iti­nala ang 5-0 arangka­da para itabla sa 10-10 ang laro.

Ngunit nabigo silang manakaw ang momentum dahil sa sunud-sunod nilang mga error na sinamantala naman ng Power Hitters.

Kung hindi magba­ba­go ang posisyon ng PLDT sa pagtatapos ng classification round ay makakaharap nila ang Fo­ton sa knockout quarterfinals.

Tumatayong No. 3 ang Tornadoes, habang No. 6 ang Power Hitters.

Sa tournament format, ang No. 3 team ang sasagupa sa No. 6, ha­bang ang No. 1 ang ha­harap sa No. 8.

Tangan ng F2 Logistics ang No. 1 spot, sa­mantalang nahulog sa No. 8 ang Marinerang Pi­lipina.

Nakabaon pa rin ang Lady Skippers, pinamu­nuan ni Ivy Remulla na may siyam na puntos, sa kanilang 0-12 marka. Fergus E. Josue, Jr.

 

vuukle comment

PLDT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with