^

PM Sports

Troncoso magiging future star sa PSL

Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa pagtuldok ng Sta. Lucia Lady Realtors sa ka­nilang 10-game lo­sing slump kontra sa Ma­rinerang Pilipina no­ong Huwebes ay isang pangalan ang nagpakila­la at dumeliber para sa tro­pa.

Third set nang ipina­sok ng Sta. Lucia ang roo­kie na si Glaudine Tron­coso kung saan pu­malo ito ng walong puntos para tulungan ang ko­ponan na masungkit ang ikalawa nitong pa­na­­­lo.

“Sinusunod ko lang ‘yung mga instruction ng mga coaches ko saka nagta-trust ako sa mga kasama, ayun magandang motivation ‘yung mga kasama ko chini-cheer nila ako kahit ro­okie lang ako,” wika ni Troncoso.

Tubong Iloilo ang 21-anyos na si Troncoso na unang naglaro at nahubog sa Central Philippine University (CPU) kung saan din galing si Jo­velyn Gonzaga na kan­yang tinulungan na ma­sungkit ang korona sa nationals sa limang ta­on niyang paglalaro.

Hindi na bago sa pag­lalaro sa Maynila si Troncoso dahil naglaro na ito sa dating Shakey’s V League kung saan ki­­nakatawan nila ang Wes­tern Visayas bago su­mabak sa PSL.

Bago man sa professional league, nakikita na ni Sta. Lucia head coach Babes Castillo ang potensyal ni Tronco­so sa mga susunod na ka­banata ng kanyang ka­rera.

“She maybe young pero makikita mo na ‘yung DNA in ma­king of a champion,” sabi ni Castillo.

Hindi man ga­ling sa mga prominenteng es­ku­welahan sa Maynila ay ma­laki pa rin ang pa­sasalamat ni Troncoso sa tiwalang ibi­nigay sa kanya para ma­ipamalas ang kakayahan niya. Fergus E. Josue, Jr.

 

vuukle comment

PSL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with