Gasol kinuha ng Trail Blazers
PORTLAND -- Hindi pa mawawala sa NBA ang isang katulad ni Pau Gasol matapos lumagda sa isang one-year contract sa Trail Blazers.
Ang kontrata ng Spanish center sa Portland ay nagkakahalaga ng $2.6 milyon at huling naglaro para sa Milwaukee Bucks matapos ang buyout sa kanyang kontrata sa San Antonio Spurs sa nakaraang season.
Napanood si Gasol sa tatlong laro ng Bucks dahil sa kanyang foot injury.
Sasamahan ng 39-anyos na veteran slotman sa Blazers frontline sina Hassan Whiteside, Zach Collins at Jusuf Nurkic.
“I’m very excited to announce that next season (my 19th in the @NBA) I’ll play for the @trailblazers,” sabi ni Gasol sa kanyang Twitter account. “Ready and happy to join one of the best teams in the league!”
Samantala, pormal nang idinagdag ng Milwaukee si veteran guard Kyle Korver matapos bitawan ng Phoenix Suns noong Hulyo 7.
Naunang ibinigay ng Utah Jazz si Korver sa Memphis Grizzlies.
Ang 2015 All-Star ay pangatlo sa lahat ng mga active NBA players sa three-point field goal percentage (42.9) at ika-siyam sa NBA history.
Pinapirma naman ng Toronto Raptors si Cameron Payne, naglaro sa Chicago Bulls at Cavaliers sa nakaraang season, para makatuwang nina Kyle Lowry at Fred VanVleet sa backcourt ng nagdedepensang kampeon.
Nagtala si Payne ng mga averages na 6.3 points at 2.7 assists sa 40 games.
- Latest