^

PM Sports

Humarap na sa L.A. Fans sina George at Leonard

Pang-masa
Humarap na sa L.A. Fans sina George at Leonard

LOS ANGELES - Opisyal nang ipinakilala kahapon ng Clippers ang dalawa nilang bagong kamador na sina Kawhi Leonard at Paul George kasama nina Leonard at George sina head coach Doc Rivers at billionaire owner Steve Ballmer.

Halos tatlong linggo matapos gulatin ang NBA dahil sa kanilang paglipat sa Clippers, ginawa ng dalawang native Southern California superstars ang kanilang unang public appearance sa isang community gym na ipinaayos ng prangkisa sa south LA.

Sinabi ni Leonard, ang two-time NBA Finals MVP at nagmula sa championship season sa Toronto Raptors, na nasasabik siyang gumawa ng kasaysayan sa pamamagitan ng pagbibigay sa Clippers ng kauna-unahan nitong NBA title.

Nanggaling naman si George sa Oklahoma City Thunder, pinakawalan din si Russell Westbrook sa Houston Rockets kapalit ni Chris Paul.

Samantala, pinapirma ng Denver Nuggets si point guard Jamal Murray sa isang five-year, $170 million extension contract.

Nagtala ang 22-anyos na si Murray ng average na 21.3 points sa Western Conference Playoffs sa pagtulong sa Nuggets na makapasok sa second round sa unang pagkakataon matapos ang isang dekada.

Hinirang na No.7 overall selection noong 2016 draft mula sa Kentucky, nagposte si Murray ng mga career highs sa points (18.2), assists (4.8) at rebounds (4.2) sa paggiya sa Denver sa pagtatala ng 54 wins at pagiging No. 2 seed sa Western Conference playoffs.

vuukle comment

KAWHI LEONARD

PAUL GEORGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with